Mijo Hotel. Affordable rate (1800 a night for a comfortable and clean room, friendly staff) We found this thru forums and personal recommendation from Aps. Medyo hassle lang sa parking space. Babalik pa ba kami? Maybe after trying those 5 star-hotels we initially wanted but later decided it might not be worthy after all (kasi balak talaga namin maglagalag sa Tagaytay, not stay at the hotel for the whole day)
Peso Power: 8
First stop: RSM Restaurant
Feeling ko overpriced ang pagkain dito. Kasi naman Inihaw na Baboy, Sinigang sa Miso, at Saging con hielo lang order namin, umabot na kami ng 800 pesoses! Ok ang view ng Taal. Sitting pretty by the window. Mahangin. Ok dito magpalipas ng oras (humanga at tumunganga sa view).
Peso Power: 6
2nd Stop: Bag of Beans
Dito kami nag-snack. I don't know what's the fuss all about. Andami insekto sa loob hehe. Di ako makakuha ng picture sa kokonting halamanan kasi laging me nangangagat. Garden-type ang ambiance. Parang kumakain ka sa garden ng kaklase mo ang feeling hehe. Syempre sosy ang mga customers. Giant pancake! We ordered Banana Walnut (3pcs/order) and 2 Guyabano shake (sarap!). Total bill was 300++. Will I visit again? Pwede na. Pag kasama siguro ang tropa, para mas masaya. Pwede maghalakhakan na parang walang pakialam sa mundo. Pero kung 2 lang kayo, medyo boring. Kakain lang talaga (at magmamadali ka na umalis dahil pinapapak ka na ng kung ano man)
Peso power: 7 (masarap kasi yung food)
3rd Stop: Antonio's Restaurant
Nope, di kami kumain dito hehe. Kasunod lang kasi sya ng Bag of Beans kaya nag-try na kami sumilip. Medyo malayo from the main road. Sosy yung sa gate pa lang. We heard kelangan ng reservation to actually dine in. Sayang. From what I've heard, sarap daw ng food dito. Tsaka maganda yung garden.
4th Stop: The Flower Farm.
Curious kami. Baka sakali mag picture-picture dito. Sows.... anlayo lalo from main road. Tapos...wala na. Ni hindi naman kami kumatok kung pwede ba pumasok. Nyahaha. Sabi nila sarado na 'to. Di na siguro pwede for the public. Nakakapagod na rin. Tsaka palubog na yung araw. Uwian na lang.
5th Stop: Green ATS Bulalohan
Top favorite kainan sa Tagaytay! Secret lang sana 'to. Kung cowboy ka and trip mo magpunta sa tagaytay ng madaling araw, dito na kayo tumambay. Newly renovated (me mga waiters na sila ngayon hehe). Di naman nagbago yung presyo. Bulalo nila nasa 200++ pa rin. Bbq = 25 pesos. The best talaga. Main reason why I don't order Bulalo in Manila is because I fear I'd end up comparing it to their bulalo. Pag napadaan kayo dito and di nyo ni-try, your loss =P
Peso Power: 9
The next day: Dinaanan na lang namin 'tong mga 'to.
5R Rooms for Rent. (046) 413-4249 or 0917-2546529
Keni Po Rooms. (046) 4830977
Tagaytay Econo Inn. (046) 413-4284 or 632 5298176
THouse. (046) 483.0011, (046) 483.0012, (mobile) 0922-8THouse
Last Stop: Good Sheperd Sisters. Famous for their.... err... ube jam, buko pie and suman sa liya? Nakibili na rin kami pampasalubong :) Uwian na... yehey. Now, feast your eyes.
* overpriced Sinigang sa Miso and Inihaw na Baboy *
* the best BULALO in town*
* Giant Pancakes! *
Now.. if only I know where I got food poisoned.....
No comments:
Post a Comment