Sabi nila lahat ng sobra ay masama. At lahat naman daw ng bawal ay masarap.
Ganitong-ganito ang epekto mo sakin. Sa umpisa, ilag pa ako. Mataas ka kasi, mahirap abutin. Pero minsang nagkasama tayo, okey ka lang pala. Patago at paminsan-minsan lang. Alam ko namang ‘di ka makakabuti sa akin.
Ang sarap mo pala kasama. Nawawala ang init ng ulo ko. ‘Pag highblood na ako sa opis. Pag walang magawa. ‘Pag may nag-aya ng meryenda. Kahit walang mapag-usapan, basta kasama ka, okey na. Natutuwa ako pag nakikita kita. ‘Pag maraming tao ang nakapalibot sa’yo. Nagiging close nga kaming magkakaibigan dahil saýo. Parang common ground ka namin. Dati, lumabas ako ng Pinas, hinanap-hanap kita. Namiss kita talaga. Minsan dinadayo pa kita. Kahit gabing-gabi na. Nakatulugan pa nga kita isang beses. Talagang ayaw ko lumayo sa tabi mo.
Nakakakunsensya rin kahit papano. Kasi naman may mas nauna na akong nagustuhan kesa saýo. Sýa talaga yung mas bagay sa personalidad ko. Tsaka kahit saan, andyan lang sýa. Di mahirap hagilapin. Maaasahan.
Pero magkaiba kayo ng epekto. Kung sýa refreshing, ikaw calming. Ironic nga kasi you were never created for the purpose of calming. Hula ko pa, you were really designed to be addictive…to be my passion and my frustration.
Sana maranasan ko na maging akin ka talaga. Yun bang kahit anong oras na gustuhin ko, abot-kamay ka lang. Kaso, hindi talaga pwede. Anong gagawin ko sa kanya? Hindi naman kayo pwedeng pagsabayin. Kalokohan yon. At iisipin ng mga tao na gahaman ako.
Kaya nakapagpasya na ako. I will always love my (more ice) iced tea. But I will always long for you, my original Starbucks Rhumba.
4 comments:
hehe actually sis ung Rhumba lang talaga e. Di naman ako umoorder ng iba. Since day 1, rhumba frap lang talaga hehe.
inom ka sis, meron ako rhumba ngaun hehehe. andarap ng chocolate chips.
ps: andami nagtatanong SINO c rhumba. KAPE nga yon! KAPE lang, walang malisya! =))
hahaha
nde! nde dapat mapalitan si iced tea. hehe. pero actually ok din ang BJ as in Buko Juice. Adik din ako don e.
Ayoko na ng rhumba, iniintriga na tuloy ako. hehehe cge bili ka mamaya sis :D
di ba buko juice? hmm dapat buko juice icedtea rhumba at may bago mango shake... late comment.. hehehe
Post a Comment