Wednesday, March 23, 2005

Me and My Bilog

Dear Bilog,

This is probably my first and last letter to you.

When mom told me that your mother is carrying you, i somehow felt sad. pero andyan na eh. tanggapin na lang.

one day, mom visited me and while we were shopping, nag-toy section kami. what for? para raw sayo. hay naku. napaka-espesyal naman ng batang yan!

i went home. at last i saw you. ewwww ang panget mo. nagbabalat pa muka mo. eww talaga. tapos nagkasakit ako, sabi ako daw muna magbantay sa'yo. Huh? eh anliit-liit mo. para kang chonggo na walang buto. pinatong ka sa lap ko. for a 3-month-old kid, antibay ng leeg mo ha. at ang ingay mo. pinasakan ka tuloy ng saging ni mami. lalo kang nagmukang chonggo.

simula non, binubulabog mo na bawat sabado ko. kesehodang puyat ako, iiwanan ka sa kwarto ko. Buti na lang bumagay ka sa mga bedsheets ko na makulay. nakakaaliw ka rin pala. di ba sasali dapat tayo sa halloween costume contest non? either si smeagol ka (susuotan lang ng bahag) or yung bata sa Ju-On the grudge (pupulbusan lang yung mukha). Walang kahirap-hirap sa costume mo. Panalo sana tayo. kaso di ka pa nakakalakad ng derecho noon.

ngayon 1.5 yrs old ka na, hindi na ganon kalaki ang mata mo. inaagaw mo na yung mic pag nagvivideoke ako. inaagaw mo yung cell pag me kausap ako. inaagaw mo iced tea ko. ninanakaw mo Big250 ko. Nung nanood tayo ng laban ni Pacquiao, sinampal mo ako 3x habang nakatingin sa TV. pero pag umiiyak ka, yumayakap ka sakin. at ako na ang hinihila mo ngayon. close na nga tayo.

sana paglaki mo bilog, wag ka barumbado. wag mo bibigyan ng sakit ng ulo ang mama mo. ampayat na non e. mas payat pa sa'kin. tsaka andami nagmamahal sa'yo. nagpapanic buong bahay pag nawawala ka o pag umiiyak ka. paglaki mo, wag mo kakalimutan yon. sori nga pala naiwan kita dati sa kwarto na nakabukas yung erkon. ayaw mo pa naman mag-kumot. ginaw na ginaw ka tuloy, wala ka naman nagawa kundi umiyak. paglaki mo, bawian mo na lang ako ha. pero habang bubwit ka pa, yakap ka lang muna kay tita...


* bilog and the famous banana * Posted by Hello

6 comments:

_emanon_ said...

at kahit may topak si bilog... hehe namimiss ko den yan kahit papano.. haay bilog tama tita mo madaming nagmamahal sayo.. kaya pakabait ka.. sa susunod natin magpunta ng SM video games uli tayo.. kahit talo tayo lagi kasi lagi mong inaagaw yung joystick.. hehehe.. peace bilog!!

blue_palito said...

"kahit talo tayo lagi kasi lagi mong inaagaw yung joystick"

nyahaha natawa ako don a.

_emanon_ said...

eh potpot talo talaga kami lagi sa tekken hindi man lang kami umabot sa mga susunod na kalaban.. hanggang una lang.. haay bilog magaling mang agaw ng joystick.. hehe

trivia: natutong maglakad si bilog dahil sa basketball...

=)

Anonymous said...

dati hawig si bilog kay yobs...

si bilog cute...si yobs... *tingin sa langit* *sipol* *sipol*

_emanon_ said...

cherr bakit hindi mo masabi??? tuloy mo hahaha

Anonymous said...

back to topic...si bilog... =))

si bilog ka cute cute na bata...
si yobs...mabait...har har har..oh ayan..mabait..makuntento ka na.. :P