Thursday, April 7, 2005

Tula: Sa Minsang Pagmulat Ng Mga Mata

Ang mata daw ang salamin ng kaluluwa
kaya pala...
lumaki ito ng makita ka.
Nasilip mo tuloy
ang iniingata't itinatago
kaya nabigo
at sa sobrang hiya,
napapikit at yumuko.
Nang wala nang makita
biglang may naalala,
makulay ang paligid pagkat nar'yan ka.
Kaya't binuksang muli ang mga mata
at alam mo ba
umikot, umiyak, halos lumuwa ang dalawa
kailangan palang ipikit na lang.
Isa... dalawa... bilang ng bilang
pagsapit sa hangganan napuno ang kulang.
Sa pagkakapikit
nawala pati ang malay
gan'to ba talaga ang buhay,
Kailangang nakapikit upang makita ang kulay?
Ilang araw at gabi na ba ang dumalaw
at ang pusong nawala'y patuloy na mapanglaw.
Dapat lang daw.
Kaya naman hanggang ngayon
nadadapa't nangangapa
matagal-tagal na rin palang wala,
walang silbi ang mga mata.
Imulat ko na kaya?
Bahala na kung ano'ng makita...

2/11/98
0826 hrs

Hibang (sagot ng isang kaibagan) <--- click n'yo ito
*******************************
From now on, I will be posting some of my "unreleased" poems. History repeats itself until the lesson is learned. Maybe the reason why i am incapable of writing poems nowadays is because I have written them a long time ago, and I just have to re-read them. Because they are the exact replica of what I have, what I feel, and what I am right now.

No comments: