I was supposed to go to one place only last weekend. In San Juan, Batangas for the 10th anniversary of DOST '95 (a high school friendship that eventually became a brotherhood). After so much "init ng ulo", I've decided to join my family on their Baguio trip. There isn't any regret actually. I want to be with them. Especially Bilog, whose first trip to Baguio was last year, when he was still 3 months old.
Saturday
0030: finished packing. Have to wake up at 0140 for a quick shower.
0230: set for Baguio.
0800: Baguio na? Ambilis ah. 1st destination -> Teachers Camp.
0900: Mines View Park. Ubos agad pera ko. Sulit naman hehe.
1200: SM Baguio. Lunch.
1130: Saulog bus trip back to Manila. sleep sleep sleep. *happy*
1700: Bus stop at Tarlac. *happy pa rin*
2000: Jollibee EGI Mall. Nawawala si Roxalina! Tawagan natin. Di sumasagot. Baka napano na yon a? Josko nasa Baclaran pa lang daw. Mangontrata na tayo ng colorum papuntang Lipa Batangas. 110 per head daw. 130. Ang gulo nyo manong... *low batt na ako, d na makasali sa kwentuhan kaya soundtrip lang sa discman*
2300: Lipa. 7-11. Wala na daw jeep papuntang San Juan. Trike na lang tayo 400 each trike. Dalawang trike kelangan natin. Di pwede si Buntis! Matatagtag si baby! 30mins byahe daw from Lipa to San Juan. Hanap pa kayo ng ibang paraan pls. Ayan jeep. 900 papuntang San Juan? Ang mahal naman! Wala na tayong pera. Wala ring atm dito. Roxalina, tingin ka sa likod me mumu! Kinalabit pa, lalo tuloy natakot.
Sunday
0100: Hintay na kami nila Pimpen, Len, at Charles sa Munisipyo ng San Juan. Another road trip. Takutan. Bat biglang bumilis ang byahe kumpara nung papunta? Halaaa. Magbaligtad kayo ng t-shirt!
0130: Sa wakas, La iya na tayo. Ano bang beach resort to? Rollen ek ek. Si Redgie lasing na.
0230: Di ko na talaga kaya, kayo na lang kumain. Ansarap pala sa dagat kaso andilim, sa CR na lang ako maliligo. Anlagkit. Alikabok ng Baguio dala ko pa hanggang Batangas hehe. Pasma-pasma? ok na yan, antok na ako e. Di muna ako sali sa girl-talk.
0300: Bound to sleep. At Last. *di ko na alam sino humihilik. Kumbaga sa computer, shutdown na talaga ako.*
0800: Ano ba naman 'tong mga 'to ang iingay. Kahit anong gawin nyong panggigising dyan, deadma kayo sakin. Zzzz. Reycard duet ka dyan Ike.
1100: Ambait talaga nila Len, me breakfast na agad hehe. Ano? Lunch na rin to? Hotdog lang? hehe pwede na rin. Gutom na ako. Langoy-langoy. Picture naaaa! Una yung nakapampaligo tayo tapos mamaya naman pag paalis na ulit. GALAGAWGAWWW ang bading bading. hehe. Videoke trip.
1400: Uwian na. Ang init. Pares-pares daw sa sasakyan. Kaso di epektib yung kina Rod at Noq. Galawgawww ang payat-payat.
1600: Bahay na nila Charles. Lunch time na rin. Order kayo ng langka! Puro na tayo gulay! Nilagang baka wow. Food trip. Noy nawawala strawberry mo, next time na lang hehe. *Burp* Puro hangin na ata laman ng tyan ko a. Ang haba ng byahe pauwi. Inubos merengge ko! Waaa. Galawgawww ang harot-harot.
1930: Home at last. Halos kasabay lang namin yung mga galing sa Baguio. Andaming pagkain wowowie!
Sabi ni Ike ambait ko daw masyado, pwede namang di na ako sumama sa Baguio. No regrets kapatid. =) Sabi ni Charles, di pa daw sya bilib sa'min. Kung tinuloy-tuloy ko daw sa Mindanao, bibilib na sya. Sige Charles, next summer hehe.
The weekend that was. Happy, romantic (without any effort of making it romantic). With loved ones. From family to friends. Di na pansin ang pagod basta kasama mo mahal mo. Totoo yun to some extent. Who says you can't have the best of both worlds? I did it. Sabi naman sa inyo, kung gusto me paraan...
Baguio with family, Batangas with friends.
1 comment:
galaw gaw... ang bading bading .. tingnan.. hehehe nauso tuloy ang galawgaw... haaay sarap ng weekend!!!
Post a Comment