Tuesday, May 31, 2005

* Bagay-bagay *

May mga bagay na
hindi na kailangan itanong pa...

dahil alam mo na ang sagot
dahil di mo rin naman gusto yung isasagot
at minsan, dahil wala talagang sagot.

May mga bagay na
hindi na kailangan pag-isipan pa...

dahil mangyayari't mangyayari na
dahil wala ka nang ibang magagawa
at minsan, dahil di na talaga dapat isipin pa.

May mga bagay na
hindi na dapat sinasabi pa...

dahil di dapat ipagsabi
dahil walang patutunguhan
at minsan, dahil di mo din mapaninindigan.

May mga bagay na
hindi na dapat nakikita pa...

dahil iniwasan mo na ngang itanong
dahil ayaw mo na ngang pag-isipan pa
at minsan, dahil mas ok pang alam mo na lang.

**********
* another impromptu, 5/31/05 1103hrs
* inspired by a friend na inlab na inlab pero di masabi =)


Pahabol (1342hrs)

May mga bagay na
hindi na dapat hintayin pa...

dahil mas madaling habulin
dahil kailangan nang ayusin
at minsan, dahil may biglaang parating.

May mga bagay na
hindi na dapat asahan pa...

dahil di mo alam saan papunta
dahil lahat nagawa mo na
at minsan, dahil di talaga dapat nag-umpisa.

16 comments:

ippo said...

nakakaiyak :(

Anonymous said...

torpe ba?... welcome to the club

=)

Tolits said...

galing mo talaga *tarajing* potpot!

IDOL

Anonymous said...

may mga bagay-bagay talaga na dapat hanggang bagay na lang...

Anonymous said...

well said anonymous. tama ka dyan.

Anonymous said...

S3PTO. di naman sya likas na torpe pero tinamaan ata talaga don sa girl... thus, the inevitable waiting game.

Anonymous said...

I disagree with you anonymous..It's a feeble excuse for not tryin.

ippo said...

siguro malaki ang tama nung guy...wala syang masabi

Anonymous said...

Ippo... pagkakaalam ko nga ganon. may dapat palang karugtong yan....teka dugtungan ko nga :)

Anonymous said...

may mga bagay na
hindi na dapat pansinin pa

dahil ayaw mong umuwing luhaan
dahil para sayo ito'y ipinagkikibit balikat na lang
at minsan, ayaw mo lang talagang masaktan

Anonymous said...

"at minsan, ayaw mo lang talagang masaktan "

maybe it's the whole idea of the poem. but it's not entirely correct...i prefer

"at minsan, ayaw mo NA lang talagang masaktan"

Anonymous said...

ay! tama ka dyan sister...hehehe...siguro this time, kilala mo na kung cno ko..har har har...

Anonymous said...

Found this on somebody's YM stat. Some might find it pathetic, but in reality, most of us agree with it.

I choose to love her in silence for there, i wont find rejection..i would choose to see her in my dreams, for there , no one owns her but me.

Anonymous said...

alam mo gee....

paborito mo talaga yang kantang yan =D

Anonymous said...

Gee...

hanep sa choice of word "indifferent".

clueless lalo kami.

ippo said...

nakakaiyak pa din