Sunday, May 22, 2005

Huling Hirit sa Tag-init 2005 *

Eto na naman... outing na naman. Alam nyo ba na ilang panahon din ang nagugol para sa event na 'to... mula ng lumabas ang theme (Bikini Bodies daw) hanggang sa naglabas ng team members at mga guidelines and rules. Mula preparation ng props hanggang sa trash talking during the games. Hahaha.

Subic White Rock Beach. Ngayon lang ako nakapunta dito. Grabeng init. Lagkit na lagkit na kami, hindi pa rin binibigay ang room keys. Nung nabigay na, andami pa ring problema. Wala yung main key, walang aircon. Ayan, formation na. Early Birds daw! Nyahaha ngayon lang ako na-early bird sa tanang buhay ko. Pasalamat sa mga pasaway na hindi muna nagpasaway nung araw na yon (ang laki tuloy ng cash prize).

1st game volleyball. Opps lamang na ang kalaban. Wala kaming pang-cheer. Walang babagay na smiley (kasi puro pang-asar na smiley lang ang drinowing nila Ned at Bene). Err ano isisigaw natin? "Early Bird kami!" nyahaha yun na lang.. mukang epektib naman kasi natutuwa mga players namin. All 14 na!! Arghhh kakanerbyos naman nito. Yahoo! Nanalo kami! Actually nanalo ata kami dahil sa mga faults ng kalaban hehehe.

2nd game push the bottle. Ewan ko ba sino nagpauso ng game na 'to. Kelangan pa alternate (boys & girls) hala sige praktis ng praktis maglipat ng bote gamit ang hita. Nung laro na mismo, hindi na-apply ang prinaktis. Ihulog na lang ang bote!!!

3rd game mala-fear factor. Namaaaan! Nginudngod ko na mukha ko sa isang batyang gulaman, wala pa rin yung hinahanap na candy. Natunaw na pala! Tset! Kamusta kaya yung uminom ng Sarsi na me itlog, yung nagbuo ng puzzle hehe, at yung kumain ng balot at inihaw na dugo? Enjoy naman di ba... kahit umanghang yung mukha ko dala ng menthol candy.

4th game pool relay. Eto nagisip talaga kami ng strategy dito. Buti na lang puro small to medium built ang players namin. Di kami nahirapan sumakay sa salbabida. Yahoo! Kampay kampay. Si Ned ata yung matagal magkampay hehe nagfloating sa salbabida.

Yung party grabe. Instant host kami ni John. Napaos ako don a. Pano mo ba tatawagin ang pansin ng mga kasama mo na watak watak? Yung iba nagpapapicture na sa beach. Lintek, ilang taon na ba natin kasama yang banda na yan? Yun pa rin ang mga kanta nila. Hahaha sabagay may 2 new songs naman silang kinanta. Anyway pinakapaborito ko yung tequilla drinking contest. 7K cash price. Wow naman. Kahit di ako mahilig uminom pramis sasali ako don... nyahaha ang galing ni Raymond. Kaya lang pinahirapan nya ako (secret na lang yon basta raymond hati tayo sa cash price)

2am na kami bumalik sa room ni Chuy. Aba naman. Di pa sya pagod, kwento pa ng kwento tungkol kay ____. Di ko na ata namalayan nakatulog na ako (sori chuy). Paggising kinabukasan, anong oras na? 12 daw. Patawa. Di nga? 12 na nga!! Hala wala nang time. Uwian na!

Next year na ulit...mamimiss ko ang yellow team. Ang galing natin! =)









* (apologies to DOST95 for the title)

2 comments:

Anonymous said...

congrats pot-pot..galing niyo naman!!!! - ate jacq

Anonymous said...

congrats potpot.. galing ng yellow team! hehehe