Tuesday, June 7, 2005

Gusto kong malaman kung totoo bang....

~ may kaluluwa ang tao.
~ may impyerno't purgatoryo.
~ may buhay sa ibang planeta.
~ may nawawala sa Bermuda Triangle.
~ may mga nabubuhay ng walang kinakain sa loob ng 40 araw.
~ may reincarnation.
~ may greener pasteur.
~ may multo.

Gusto kong malaman kung totoo bang....

~ mas masama ang mga tao ngayon.
~ mas mabuting magkaibigan muna bago magka-ibigan.
~ mas mahirap magpapayat kesa magpataba.
~ mas masaya pag nagbibigay kesa nabibigyan.
~ mas nahihirapan ang naiiwanan kesa sa nang-iiwan.
~ mas maganda ang obra kung ang may-gawa ay bigo.
~ mas mabuting maging totoo sa sarili kesa ibang tao.

Gusto kong malaman kung totoo bang....

~ malapit nang magunaw ang mundo.
~ malapit lang ang "dyan lang".
---------------------------------------------------------
andami kong tanong...isip pa ako ng iba ha.

11 comments:

Alec Macatangay said...

gusto kong malaman kung bakit ayaw pa kaming pauwiin dito sa training gayo'y lampas alas sais na.

Anonymous said...

ano ba yan macats...
wag mo buksan blog ko dyan baka ipasara ng trainor nyo hehehe j/k

baka kaya di kau pinapauwi kasi good listeners kayo? di kaya??

Alec Macatangay said...

ewan ko ba. palibhasa sa hotel uuwi. :(( dada pa sya ng dada. wala na atang nakikinig. 6:15 na o! may date pa ko.. :(

Anonymous said...

nakow mahirap yan macats.
mahirap pa naman sila makahalata.

kung ako sau txt mo na ka-date mo na mili-late ka. hehe malas naman.

Anonymous said...

gusto kong malaman kung totoo bang....
~ may multo
??
- ako rin pro naniniwala ako kasi lagi mo kaming sinasabihan dito eh (sa bahay, sa sa corridor ng office, kasalubong habang naglalakad, sa MRT, sa bus 36! ). Dyaske, naging totoo na ang mga paniniwala namin ng dahil syo hahaha.

Anonymous said...

bwahahaha!

ayoko na nga magtanong!!!!

ippo said...

totoo bang.....kapag umaambon at umaaraw, may kinakasal na tikbalang?

Hmmmmmmm, I wonder.....

Anonymous said...

Totoo bang ang anaps ang super race? Kasi last SARS pandemic, walang napabalitang anaps na naka-contract ng SARS eh. i wonder hmmm. curry and roti prata anyone? ulk!

Anonymous said...

Ippo... totoo ba munang may tikbalang??

dual tinola... as in wala? hanep nga!

ippo said...

totoo may tikbalang...yung teacher ko ng elementary work education, tikbalang. Dami nga nyang tinuro sa amin e!

Anonymous said...

Ansama mo Ippo! hehe