Wednesday, June 29, 2005

Handa 'Rap!

10 years nang late ang article na ‘to. Pero dahil alam nyo naming mahina ang memory ko, kelangan ko na ilista bago mahuli ang lahat. Para ‘to sa mga nakaranas mabilad sa araw (dahil minalas kang hindi ka hikain). Para sa pinaka-walang relevance na subject sa high school life ko…

1. Natutunan kong gumising ayon sa “formation time”. Kung ang mga artista me call time, sa CAT me formation time. Pero hindi katulad sa showbiz na tolerable ang late lalo na kung ikaw ang star, dito sa CAT mapupuno ng star ang paningin mo pag na-late ka at pinarusahan ka ng 100 repetitions.

2. Natutunan kong magpisa ng native na itlog gamit ang ulo (kulay brown ‘to, mas malansa kesa sa puting itlog)

3. Natutunan kong higupin na parang sabaw ng balut yung itlog ng #2 sa madaling araw sa loob lang ng ilang segundo.

4. Natutunan kong sumigaw ng “Balooooooot Penoy!” pagkatapos humigop ng itlog sa #2.

5. Natutunan ko umpisahan at tapusin ang isang buong sentence ng may “Sir” o “Mam” as in “Sir ang pogi mo sir” o kaya “Mam I love you Mam!”

6. Natutunan ko magpaalipin: Gawin yung project yung Deputy naming walang typewriter at pagpasa-pasahan yung panyo ko ng mga officer na lalake na sa bandang huli ay aarborin lang din pala (watdapak).

7. Natutunan kong mag-jogging na me hawak na baril (na kahoy, na kung tawagin ay “rifle” na dapat daw naming ituring na asawa dahil bawal mawalay sa’yo….huh?!?!).

8. Natutunan kong mag-jogging ng nakapusod ang buhok at puno ng hairpin dahil bawal ang sabog-sabog na hibla ng buhok (ayaw ni ricky reyes nito, my gaaad)

9. Natutunan kong mag tiger-look, eyes front!!! Quit moving. As you were.

10. Natutunan kong kapag sinabing eyes front, kusang lilingon ang mata mo sa officer na gwapo hanggang sa maparusahan ka na sa tigas ng ulo mo (countless pumpings o kaya 20mins na squat. Malas mo pag duck walk o kaya push-up.)

11. Natutunan kong dapat magaan lang ang sword mo. Kung ayaw mong magkapasa-pasa ang kanang braso mo habang nagpapractice ng exhibition na hindi mo naman pala magagamit dahil yung mga kasama mong opisyal, masyadong lampa para humawak ng sword (a$$h^$%!!)

12. Natutunan kong kumain ng saging na saba… na hindi pa nabalatan, naluluto o nahuhugasan at may palaman na mga sili.

13. Natutunan kong kumain ng isang dakot na asin (me time limit din ‘to)

14. Natutunan kong kumain ng gabundok na biscocho na nakalagay sa isang buong manila paper at apat lang kayong maghahati-hati. At pag uhaw na uhaw ka na…

15. Natutunan kong uminom ng military wine… na sa madaling salita ay adobo, minus the pork and the chicken. Dahil suka at toyo lang sya at kung anik-anik pang sangkap sa kusina. Wag kalimutan ang sili.

16. Natutunan kong kumain ng square meal na ang ibig sabihin ay… Wan tu tri por….payb siks siben eyt naynnnn ten!!! (nakalimutan ko na) At reversed meal na ang ibig sabihin, mauuna ang tubig saka ang ulam saka ang kanin. Bahala kang mabilaukan.

17. Natutunan kong uminom ng ice tubig na iisa lang ang butas at galing sa bibig ng 30 katao at kailangan pang makarating sa natitira pang 20 katao.

18. Natutunan kong makipagkaibigan, makisama, alisin lahat ng kaartehan sa ulo at katawan, wag mag-alburoto, wag mamili, wag magyabang, (para wag madamay ang iba lalo na kung me kapalpakan kang nagawa).

19. Natutunan kong wag magtapon ng basura kahit saan. Dahil ako din ang pupulot, mas marami pa sa itinapon ko.

20. Natutunan ko na kapag ginusto mo, makukuha mo kung paghihirapan mo.

21. Natutunan ko na “To be a good leader, you must be a good follower”.

22. Natutunan ko na mas masarap maging follower =)

23. Natutunan ko na hindi ko kailangan ang CAT, pero di matatawaran yung na-instill sakin dito. At malamang di maiintindihan ng iba, dahil hindi nila napagdaanan yung mga opisyal ko (swerte at malas nyo hehehe)

24. Natutunan ko na “What I see, what I hear, what I feel, what I do, when I leave, leave it here, zip my mouth, deep in my heart (?) and don’t squeal. I love class KAISAG.” In other words… matuto daw magtago ng sikreto. Kung di ka pa marunong non, kailangan mo bumalik ng high school. Baka kailangan mo ulit mag-CAT.

11 comments:

Alec Macatangay said...

aha! opiser ka nung CAT no?

Anonymous said...

1. Natutunan ko na may ibig sabihin pala ang opiser kapag sumigaw ng "Form a straight circle! Pronto!"

2. Natutunan ko rin sumunod sa utos na "Form yourselves into groups and scatter!!"

Anonymous said...

pots, bat ako wala akong alam dito.. di ko to dinanas..kainis miss ko tuloy tong karanasan na to..:)

_emanon_ said...

habang nasa formation kami at habang binababa na ung flag ung mga last platoon gumagawa ng mga sounds... tulad ng kalapati.. unggoy na parang ang labas nasa gubat kami.. hahaha eto lang gusto ko pag-uwian na!! masaya maingay kaya laging iwan at parusa ang inabot, pulot basura.. hehehe tawag samin model platoon model ng kalokohan.


dito ko unang nadanas ang duck walk.. tipong libutin mo ang sulok ng quadrangle..

airforce rules! eeww

_emanon_ said...
This comment has been removed by a blog administrator.
Anonymous said...

Alec, OO ang sagot. Pero mas marami akong naaalala nung training kesa nung officer na ako.

Dual Tinola, i thought it's an internet joke?

Ate Jacq, buti ka nga di mo naranasan ang local version ng Fear Factor high school version :D

Potpot, malamang ikaw ang pasimuno. :P

Anonymous said...

Mam kadet Luke request permission to enter the DAST room Mam... airforce the best!

Anonymous said...

Luke.. good for you. May naaalala ka pa kahit konti katulad ko hehe.

Anonymous said...

isa pa. sa COCC, nasubukan mo na bang maglakad ng parang talangka pag may kasalubong na officer.

Anonymous said...

Sir Chard!!!!
link ko website mo later ha =)

Anonymous said...

heheheh naaalala ko pa mas mataas ang tingin ng MOCC/COCC sa officer kesa sa teacher nila lalo na kpag nsa coreidor ( tama b?! )