Sana sinabi mo
habang ako ay lasing,
o di kaya'y tulog,
walang malay,nananaginip.
Sana tinyempo mong
sabog ang pag-iisip,
salat sa kakayahang
mag-isip ng matuwid.
Pa'no na ngayong
malinaw kong narinig,
tumagos sa puso kong
nagpapanggap lang na manhid?
(para sa kaibigang di napigilan manggulat. Alam mo na yon. At mabuting nasabi mo na sa kanya)
3 comments:
ano kaya sinabi bakit nagulat?
alam mo na e :P
huhulaan na lang nila kung masaya o malungkot.
gulatin or dahan-dahanin mo.. pareho lng ang epekto.. may masasaktan at masaktan
sabi nga : "There's no easy way to break... "
Post a Comment