Thursday, July 7, 2005

Ating Alamin (paninilip sa Koreanobelas/movies)

Natapos ko na yung mga natitira ko pang Koreanobelas/movies. May ilang bagay pala akong napansin:

1. Laging nasasampal ang bidang lalake. Ng bidang babae, ng kontrabidang babae, ng nanay, ng kapatid, etc.
2. Nananampal ang mga babae kahit nagtatampo lang. Paraan ito ng pagpapakita na nasaktan sila nung lalake (minsan pagkasampal, yayakapin nila yung lalake).
3. Yung sampal parang tapik sa pisngi lang (kumpara sa'tin na halos tumalsik ang ulo at nagugulo ang buhok).
4. Nagbibigay-galang at takot sila sa mga teacher. Parang katapat ng pulis.
5. Parating umiiyak ang bidang babae. Parang bawat episode kahit di nakakaiyak, umiiyak pa rin s'ya. Sala sa init, sala sa lamig (Lalo na sa Memories of Bali at Stairway to Heaven).
6. Di pwedeng matapos ang buong movie or nobela ng di umiiyak ang bidang lalake.
7. Hindi kasing maldita ng mga 3rd party na babae ang mga 3rd party na lalake. Kaya nakakaawa lagi ang 3rd party na lalake at nakakairita ang malditang 3rd party na babae.
8. Laging hindi nila masabi ang salitang "I Love You" kahit halatang-halata na sa kilos nila. Minsan magkarelasyon na, di pa nila masabi ito at sa huling episode lang binibigkas ng bidang babae (refer to Memories of Bali, Full House at Taiwanobelang Meteor Garden)
9. Madaming eksenang nakakatawa kahit di sila nagpapatawa. Bilib ako dito.
10. Nakakasurvive ang story with minimal physical closeness ng mga bida. Aabangan mo talaga kung kelan sila maghahalikan. Hindi torrid. Hindi malaswa (actually parang tuod lagi). At di kailangan mag-end up sa kama.
11. Laging may namamatay. Madalas yung bida. (Refer to Windstruck, Stairway to Heaven, Sang Doo, Memories of Bali, The Classic, etc) Kahit di naman kailangan patayin yung bida...namamatay pa. Para siguro mas tumatak sa audience. Huhu.

May iba pa ba kayong idadagdag? Post lang ng post =)

11 comments:

_emanon_ said...

ung pagkarga nila ay ibang klase.. laging pasampa sa likod.

Anonymous said...

bwisit si erika sa memories of bali. masyado kasi feeling yan pinatay tuloy Apols

blue_palito said...

ay oo nga! Tama ka jan bebe.

12. Laging pinapasan ang babaeng bida dahil lasing.

Insan...nakakatawa. Same thinking tayo hehehe.

Anonymous said...

HANGGANG DYAN PA BA ADDICT KA SA KOREAN NOBELAS??? tsk tsk tsk....ingit ka ata sa kanila kasi mga babae dun cute at puti..complete opposite ka

Anonymous said...

higanteng siopao sa tabing dagat

Tinapos ko nga, shempre nabili ko na kaya tinapos ko panoorin lahat. Di naman ako inggit. Kung nakukyutan ka sa mga babae don, e di don ka tumira.

Anonymous said...

antaray...:D

Anonymous said...

pansin ko lang parang pinoy tele din eh
- kontrabida ang biyenan
- may umeeksenang babae na galing kung saan
- papa cute o kaya papakipot iyong babae
- yung lalake ever torpe

Alec Macatangay said...

Tatawag si Lalaki kay Babae:

Lalaki: (dial)
Rrrrrrrrrrriiiiiiinggggg
Babae: Hello?
Lalaki: Magkita tayo.
Babae: Sige.
click!

Binaba yung telepono.

Hmm.. pano kaya sila magkikita?

Anonymous said...

Hehehe totoo ba to Alec?? Nkakatawa naman to.

Alec Macatangay said...

ginagaya kaya namin yun sa bahay. parang "reenactment". ang weird nila. tapos pagbaba ni Lalaki ng telepono, titingin sa taas, or sa langit, si babae, yayakapin yung fone. hehe.

Anonymous said...

Ano kaya itsura m don hehehe. Teka, ikaw kunwari ang babae o ang lalake? =D