Monday, July 18, 2005

Top 10 in 7 Days

Mga samu't saring bagay na nangyari o natutunan ko sa loob ng isang linggo.

1. Nanalo ako ng brand new cellfone. Gusto kong maniwalang nagpa-raffle ang tatay ko at ako ang mapalad. Hehehe salamat po.

2. Pinamanahan ako ng laptop ni bunso. Palibhasa bago desktop nya. Daya! Di na ako makiki-internet sa kwarto nya yehey! Surfin' in my own room...hmmm nice!

3. Ninenok ni Tapolan brand new framed "masterpiece" ko. Hoy apol me bayad yan. Presyong kapatid, 3K na lang! Wala kang makikitang ganyan sa galleries =P

4. Masarap pala maglakad sa Recto hanggang Quiapo. Basta huggable kasama mo, kahit mag-amoy taong-grasa ka dahil nasagap mo buong polusyon ng Manila arghhh.

5. Mahirap pala maging official photographer. Di makakain ng handa sa tamang oras. Grrr! Tapos nenenokan ka pa ng framed "masterpiece"? (refer to #3)

6. Ang kalat ng kwarto ko simula ng dumating ako. Wala akong matapakang sahig. Hindi naman ako techie na tao pero bago matulog kagabi napansin ko na data cables, chargers, digicam, celfones, laptop, card reader, extension wires, CF, etc yung nakakalat sa sahig. Nightmare!!! Kikay lang po ako, hindi weirdo.

7. Lagpas 1 week na ako me sipon, masakit katawan, at paos. Cmon potpot, cooperate! Dami trabaho nakapila sa'tin. (Baka I need some TLC hehe.)

8. Nakakapagod na talaga magdrive. I need permanent replacement.

9. Mahirap talaga pag convoy at ikaw ang sumusunod. Pag nahuli ng pulis yung nasa harap mo, mapapamura ka sabay dasal na sana wag ka parahin.

10. Malas mo pag nahingan ka ng pabor na bumili ng OPM CD habang lunch out ka (250 php). Swerte pag pumayag na ang bayad ay foreign artist CD (485 php). Wahehe me CIARA na ako, sana magpabili ulit ng OPM sakin para AMERIE naman kapalit =P


ps: me pending akong entry tungkol sa Witch na nakatira sa Singapore...ewan ko kung masusulat ko pa yon pero kung hinde, me other forms naman to warn people.

6 comments:

Anonymous said...

wow pots..may bago kang phone...at buti di ka nadukutan sa recto hanggang quiapo pala ang nilakbay mo ha

Anonymous said...

wala po kc madudukot ate jacq wala akong dalang pera hehehe. me financer lang po :D

Anonymous said...

The witch has casted a spell on you chui hehehe. (# 7)

Anonymous said...

The official photographer during the baptism. Book her now for free! :D apols

Anonymous said...

things not to forget when going abroad: all your stuff and a spare doorknob. :D

Anonymous said...

Locksmith, malamang nga kinulam ako non. Lintik lang talaga walang ganti hahaha.

Tapolan, asan na bayad sa frames? 3K nde 300!

Luke, tama ka dyan huhuhu. Nightmare talaga!!!