Wednesday, August 17, 2005

* Balagoong *

lagi na lang ako ang taya
naghahanap
naghahabol
habang ikaw tumatakbo
nagtatago
lumalayo
naghahanap ng ibang kalaro

(bakit pikit-mata ka sa bagay na nasa harap mo?)

- end -
* inspired by Fe Ann's YM Stat yesterday =)

intellectual intercourse daw? <-- click mo to

25 comments:

Tolits said...
This comment has been removed by a blog administrator.
blue_palito said...

bakit??

nangyari na ba sau? =D

Tolits said...

minsan may mga bagay na nasa harap natin pero hindi natin mahawakan, hindi natin masumpungan...

=(

kung bakit? maraming dahilan!

Anonymous said...

hayyy lalong sumakit ulo ko sa blog mo grrr give me something else to think about! :D - apols

blue_palito said...

Tolits: anu ba yan binura mo pa ung unang comment mo, nauna pa tuloy ung comment ko hehehe :D

insan sori, eh kc naman... kc kc kc... tsk! =))

Tolits said...

ayos lng yung sars parang may premonition yung comment mo hehehe

=)

Anonymous said...

Uuwi na ako! at kung anu ano pa mangyari dito bwahahahaha - apols

Anonymous said...

hindi po kaya na kaya siya lumalayo(kung lumalayo man) ay dahil ayaw ka niyang masaktan. opinion ko lang po to ah..=)

blue_palito said...

J: me foint ka dyan.

Anonymous said...

minsan siguro kaya tumatakbo ang isang tao, hindi pa siya talaga seryoso sa laro na sinimulan nila.marami pang hinahanap..marami pang gustong makita..at hindi pa kuntento sa kalarong natagpuan niya.

bakit pikit-mata ka sa bagay na nasa harap mo? bakit ngaba..dahil siguro sa sobrang pagmamahal sa isang kalaro.

wag sanang hahabulin ang taong ayaw makipaglaro. wag sanang maging bulag sa maraming bagay na naghihintay. matuto sanang mahalin muna ang sarili bago matutunan mahalin ang ibang tao.

at minsan lang talaga makulit pag naglaro ng hide and seek si kupido

=)

blue_palito said...

NUNU: *applause applause*

i still haven't given my thoughts on this subject. it would sound so weird kasi although ako ung nagsulat, iba ung opinion ko hehe.

Anonymous said...

agree po ako kay nunu..=) saka baka rin po na special ka rin sa kanya in some kind of way.=) kung baga, he might have feelings for you, but in a different kind of way, more than a friend, but not to the point na lover. di po kaya ganun??

Anonymous said...
This comment has been removed by a blog administrator.
blue_palito said...

J: d ko po masasagot yan kc hmmmmm...err... kathang-isip lang yang tula =)

Pero PERO pErO...(eto na nga, sige na, magkocomment na rin ako tungkol sa ganyang sitwasyon)
.
.
.
.
.
nagbago isip ko.... wag na lang pala hehe (where's my alter-ego when i needed one?)

Anonymous said...

bakit ganun ang daming deleted...

from NUNU:

wag sanang hahabulin ang taong ayaw makipaglaro. wag sanang maging bulag sa maraming bagay na naghihintay. matuto sanang mahalin muna ang sarili bago matutunan mahalin ang ibang tao.

>> ikaw ba to? well, nunu tama ka.. mahirap ipilit ang sarili sa mga taong ayaw makipaglaro.


pero likas sa atin ang pagiging makulit kahit ayaw sa atin nagpupumilit pa rin tayo kaHIT nagmumukhang tanga na. mahirap ipaliwanag ang mga ganitong sitwasyon..

blue_palito said...

mahirap ipaliwanag ang mga ganitong sitwasyon..


actually madali lang =) Isa lang naman ang sagot dyan: "Nagmamahal kasi."

Alam nyo naman, love makes us do crazy things. IDEALLY, we must learn when to stop. Pero sabi nga nila, TAO lang daw tayo, prone to errors ;-)

blue_palito said...

teka lang... sa kalaliman ng gabi, bigla kong naisip yung sabi ni J:

more than a friend, but not to the point na lover

meron ba nito? anong tawag dun??

=)) ang nagagawa nga naman ng puyat... hehe

Anonymous said...

hmmm..paano ko po ba mae-explain...hmmm....para po siguro MU pero open pa rin kayo sa idea na pwedeng magkaroon ng ibang partner ang isa't isa...hehe...para po sigurong ganun

Anonymous said...

grabe potpot ang benta ng tula mong to ha ..."applause..applause.."

blue_palito said...

Ate Jacq: OO nga po eh. mukang andaming naka-relate.

J: Sabi ko na nga ba MU e.

Mutual Understanding.
Malabong Usapan.
Masyadong Umaasa.

Gray area? Mahirap yan.

Apols said...

J

m.u. pero open pa to other aspects? aba okay ung setup na un ah pareho makikinabang both sides mahuli taya! hehehe...

E nag-m.u. pa?

blue_palito said...

Insan:

hahahahaha

masaya naman un di ba?

as long as hindi nagfa-fall harder ung isang party. simula ng gulo! tententenennnnn!!!

Anonymous said...

pero minsan parang hirap din, parang suntok sa buwan yung relationship..walang pupuntahan.

at ang sakit pa niyan pag nakakita ng ibang partner yung partner mo tapos ikaw naiwan lang..OUCH!

kailangan bang maging manhid pag pumasok sa isang relationship na MU lang?

Apols said...

ano un insan parang a walk to remember ni mandy moore dont fall in love with me?

pag nainlab ka kasalanan mo pa aba aba!

what to do jack? wat to do?

Anonymous said...

follow your heart. or at least sabihin mo na lang yung totoo.