Thursday, August 25, 2005

Sintomas ng Masokistang Trabahador

1. You never run out of things to do. And you welcome them with open arms >:D<>
2. Kapag wala ka namang ginagawa, napapaisip ka ng reason for existence mo sa mundong ibabaw.
3. Above the limit na ang size ng mailbox mo at di ka nababahala dahil nakakapagsend ka pa naman ng outgoing mails.
4. Normal na saýong umuuwi ng gabi/madaling araw/pasikat na ang araw. Ang naaabutan mong palabas sa TV ay yung kay Kuya Germs.
5. Di ka na daw nakikita ng mga kasambahay mo. Minsang umuwi ka ng madaling araw, napagkamalan kang akyat-bahay ng nanay mo.
6. Di ka na nagpapatay ng PC (uuwi ka lang naman para maghilamos).
7. Di mo napapansin na madalas kang "nalalaglag" ka sa YM. Di na halata dahil naka-invisible ka lagi upon log in.
8. Naiipon sa desk mo ang mga balat ng kendi at kung ano pang kalat na di mo agad ma-shoot sa katabi mong basurahan.
9. May nagtatanong saýo kung dumaan ba sa area nyo si ano at ang unang masasabi mo ay "Me kaopismate ba tayong ano? Kelan pa?"
10. Tumatayo ka lang para mag-CR.
11. Di mo matandaan kung kelan at saan ka huling kumain.
12. Tinatawagan ka sa telepono ng katabi mo para lang makuha ang atensyon mo.
13. Nalulungkot ka pag nag-declare ng Holiday dahil wala kang kasabay kumain.
14. Payday na ba? Kakasweldo lang a? (At magva-violent reaction lahat ng katabi mo)
15. Nagigising ka sa weekends na ang unang akala mo ay weekday pa at late ka na.
16. Nagvivideoke/disco/gimik ang tropa mo at naiwan kang kumakausap sa PC mo. (ex: "Ano bang problema mo? Bat di ka pa rin gumagana?! Gumana ka na pls...tatadjakan na kta!!")
17. At ang peborit ko: Close ka na with the nightshift guard at hinihingan ka nya ng latest mp3 at lyrics.


contributed by alec?
18. Meron kang iniiwasang tao, o patatas, na utos ng utos sa'yo (more truthful term for "request"). Tinitingnan mo sya at naiinis ka kasi parang hindi sya isang masokistang trabahador. (ikasa mo 'tol! hehe --potpot)



15 comments:

Alec Macatangay said...

18) makalat yung drawer mo. at yung desk. pati na rin yung desktop ng PC mo (except sa kin). wla ka na kasing time magligpit.

blue_palito said...

almost same sa #8.

relate na relate ka alec a =)) hehehe musta c patatas-tatas?

Alec Macatangay said...

sympre relate na relate ako

19) meron kang iniiwasang tao, o patatas, na utos ng utos sa yo (more truthful term for "request"). tinitingnan mo sya at naiinis ka kasi parang hindi sya isang masokistang trabahador.

Anonymous said...

ang korny...di na kelangan gawan ng entry sa blog ito eh...given na to sa job ko..(-__-)

blue_palito said...

higanteng siopao sa tabing dagat:

wala nga ni isang tumama sayo dyan e. kunwari ka lang nagtatrabaho e =P

Alec Macatangay said...

disagree nga pala ako sa number 1. alam mo naman po siguro kung bakit. hehehe.. lalo na pag sa patatas nanggaling.

Anonymous said...

- Lunch ka sa harap ng PC.
- Nakakatulog ka na damit pang opisina pa rin.

blue_palito said...

ay oo nga. tama ka jaun anonymous.

Anonymous said...

=)

wala ako masabi!

blue_palito said...

yung mga HINDI applicable pala sakin: 1, 13, at 14.

Pang-asar talaga yung 15 at 17. Totoong totoo 'to!

Alec Macatangay said...

e yung 18) ? totoong totoo din?

Apols said...

Totoo lahat ng sinabi mo
from 1 to 18 ganyang ganyan ang nararanasan ko dito sa opis!!!! :D

higanteng siopao,
eh bat nakakagimik ka pa?

Anonymous said...

...kasi cute ako...

Apols said...

'Nuff said.

Mymp!

Richard said...

dagdag ako... masokistang trabahador ka kung dalawa desktop pc mo (siempre, doble trabaho). counted ba to?