Friday, September 9, 2005

Bakit Masaya Na May Katabing Bintana

alam mo kung gabi na.
alam mo kung may nagtitinda na ng mais.
alam mo kung may nanghuhuli ng squidballs.
alam mo kung umuulan.
alam mo kung malakas ang ulan.
alam mo kung may nagrarally at makakapanood ka muna.
alam mo kung traffic.
alam mo kung marami nang shuttle.
alam mo pag may dadaan/dumadaang celebrity dahil madaming confetti na nahuhulog.
alam mo kung wala nang araw at dapat ka na umuwi.
maipapahinga mo ang monitor-strained beautiful eyes mo.
may iba kang tititigan pag niiyak ka na.
may libreng malaking salamin pag nagpupulbo ka.
hindi masyadong malamig sa pwesto dahil inaabot ka ng sikat ng araw.
nakikita mo yung mga nagbanggan.
pwede mo sabihin sa mga kaibigan na tumayo sa kabilang kalye, wag na kayo magtext, makikita ko na kayo.

4 comments:

Anonymous said...

alam mo kung madaming nag susunbathing sa may lake

Anonymous said...

hehe trabaho mo talaga yan e :P

Anonymous said...

dahil sobrang work-alcoholic, para at least makita mo naman ang araw.

Anonymous said...

para makita mo ang araw na sumisikat, hudyat na para umwi... baka maabutan kapa ng mga ka-opsina mo na pumapasok ng maaga.