Iniwanan
1. As the term implies, "iwan". Kapag naiwanan ka ng isang tao, para ka na ring naiwan sa maraming bagay. Sa lugar, sa panahon, o maging sa paniniwala. Sa unang tingin, ikaw ang nakakaawa.
2. Nandiyan ang mga kaibigan mo para tawagan mo at in the end, aliwin ka. Panandaliang maaalis ang isip mo sa bagay-bagay.
3. Nandiyan ang mga lugar na pwede mong balik-balikan pag namimiss mo sya. Parang andyan pa rin sya.
4. Andami-daming bagay na magpapaalala sayo tungkol sa kanya. Parang parusa. Malungkot ka na nga, ipapaalala pa.
5. Kung saka-sakali na hingin ng pagkakataon na maghanap ka na ng iba… wag na. Di ko na ipapaliwanag, tiyak maraming mag-aalsa.
6. Ganon pa rin ang lahat except sa isang bagay, wala na siya.
Nang-iwan
1. Dahil ikaw ang nang-iwan, ikaw ang pupunta sa ibang lugar o panahon o paniniwala. Sa unang tingin, hindi ka nakakaawa.
2. Mahal ang mag-aliw ng sarili lalo na kung bago ka pa sa isang lugar o panahon. Kadalasan, ang napipili mong pang-aliw sa sarili mo ay nangangailangan ng pang-gastos. Like shopping or movies. Or worse, panandaliang-aliw (hehe!)
3. Pati pagkain, namimiss mo. Hindi pwedeng wala kang namimiss na pagkain sa lugar na inalisan mo.
4. O sige, kahit hindi na pagkain. Tao na lang. Hindi pwedeng wala kang namimiss na tao sa lugar na inalisan mo.
5. Dahil bago ka sa lugar na iyon, back to square one ka sa paghanap ng makakagaangan ng loob na sana naman eventually maging kaibigan mo na.
6. Kung saka-sakali na hingin ng pagkakataon na maghanap ka na ng iba, gustuhin mo man maghanap ng iba, mahihirapan ka dahil sa scarcity ng tipo mo (lalo na kung isang lahi lang talaga ang gusto mo). Ayan, nagets nyo ba yung #5 sa Iniwanan?
7. All in all, nagbago lahat. Pagkain, weather, libangan, tv channels, sleeping time, etc. At ang ultimate pa dun, wala nga siya.
7 comments:
wushu..hango ba sa totoong experience to?!? baka jinojok mo lang kami ah. ilang lalake na ba iniwan mo?? cge nga?? =D cute nga pala ako btw....yun lang naman....
Uyy naka-relate ako dun ah.
kunyari nde ko nabasa ito....
Siopao: wla! zero :D
Tinulo: bakit? don ka sa nang-iwan?
Anonymous: bakit naman??? eh nabasa mo naman di ba? :D
ako laging iniiwan!
one of the reason kaya ayaw ko ng nagiging close sobra sa mga tao is because of the huge possibility na maiiwan at maiiwan ka. unfortunately for me, i feel that i always get left behind. sad but true =(
nasa state of denial pa rin kse ko eh... hehehe...
Post a Comment