Monday, December 19, 2005

Not your ordinary xmas blog entry

  • Nahihirapan ako matulog sa gabi. Paikot-ikot ako sa kwarto. Gusto ko magbalot ng mga regalo (forte ko ito). Ang problema, wala pa akong ibabalot. Therefore, wala rin akong pambalot.


  • Alam nyo bang 25 na ang inaanak ko (at 26 yrs old pa lang ako)? Di ko sila lahat kilala. Di ko pa rin lahat nakikita.

  • Patagal ng patagal, nawawala sa tono ang mga batang nangangaroling sa amin. Kasabay naman nito, pakonti ng pakonti ang mga bahay na me xmas lights. Pati Ayala Ave halatang nagbawas na naman ng ilaw *sigh*

  • Walang pasko sa ibang bansa. Buti na lang sa Pinas meron pa rin. Parang nagkakaron muna lahat ng short-term memory loss. Lahat nakikisunod, nakikisabay sa celebration. Lahat kunyari busy. Lahat kunyari masaya.

  • Naninindigan ako na from December extended hanggang February maraming namumuo at nasisirang relasyon. Itanong nyo sakin kung bakit. Bibigyan ko pa kayo ng mga living example (hehe).

  • T'wing March o April, may nag-aannounce na buntis si ganito o ganyan. Mag-aabang ako. Alam nyo na suguro na September/October ang pinakamaraming nagbibirthday.

  • Lima ang xmas party na pupuntahan ko. Ibig sabihin, limang kris kringle. Ano ba mapapala ng mga tao dito? Mga something-something na hindi naman nakakatuwa. Sino ba nagpauso nito?

  • Lima rin dapat ang wishlist ko (syempre di pwedeng pare-pareho dahil baka madoble ang mairegalo sakin).

  • Grabe na eto mga dods. Ganito po ang itsura ng Tutuban wala pang alas-diyes ng umaga, saktong isang linggo bago mag-pasko.



  • 3 comments:

    Anonymous said...

    "Lima ang xmas party na pupuntahan ko. Ibig sabihin, limang kris kringle. Ano ba mapapala ng mga tao dito? Mga something-something na hindi naman nakakatuwa. Sino ba nagpauso nito?"

    -- Sa susunod na taon, ipangregalo mo iba yung mga natanngap mo ngayon.

    Anonymous said...

    =)) Natawa naman ako sa nick nito...

    Alec Macatangay said...

    sus.. masaya ka naman sa isa mong kris kringle na sinalihan.. :p tanong nyo sa kin kung baket..

    tsaka.. masaya ang pasko at bagong taon ko. da best.. :p