Tuesday, January 17, 2006

Eating Di Order

Gusto ko sana magsulat ng anything about L-O-V-E. Senti. Seryoso. Kaso, mahirap pilitin magsulat (lalo na kung puno ang utak at kumakalam ang sikmura). Eto na lang. Pagtyagaan n'yo.

"Iba't ibang theories kung bakit ako payat"

Hindi ako mahilig kumain.

~ Actually, partially true ito. Biruin nyo naman for 26 years (or 9490 days or 227760 hours), paulit-ulit na lang ang kinakain natin. Baboy manok baka isda gulay tinapay arina tubig yelo cake tubig na me kulay sunog lata maalat maasim matabang... hindi na nakaka-excite. Paulit-ulit lang. Mag-imbento kaya ako ng kakaibang menu?

May bulate daw ako.

~ Oi please lang ha excuse me. Nagcombantrin ako nung bata pa ako. At wala akong bulate! Wala! Wala! Walaaaa!

Hindi ako mahilig kumain.

~ Lalo na pag walang kasama. Nakakatamad kumain. Kung nasa bahay pa ako at walang kasabay kumain, natutulog na lang ako. Pag tulog ka naman na, makakalimutan mo rin ang gutom mo.

Wala akong pambili ng pagkain.

~ No comment. Tignan ko muna wallet ko...nyaaa! Wala nga!

Hindi ako mahilig kumain.

~ Sagabal sa ginagawa. Totoo 'to lalo na nung nag-aaral pa 'ko. Pero hindi ako studious. Ewan ko ba kung ano-ano pinagkakaabalahan ko noon. Pero pakiramdam ko, sagabal lang sa ginagawa ang kumain. (Aha, naalala ko na. T'wing lunchbreak namin, natutulog pala ako.)

Mabilis ang metabolism ko.

~ Kataka-taka nga na sa pagkakiti-kiti ko, me appendix pa rin ako.

Hindi ako mahilig kumain.

~ Naramdaman mo na ba yung feeling na napasobra ka ng kain? Ang hirap makahinga di ba? At t'wing nangyayari ito, lumolobo ang tyan ko. Nagmumukha akong butete. Katulad minsan na naparami ang kain ko sa Bahrain, kelangan ko tumambay sa CR at magpakahinahon (nakaharap sa salamin at hinihimas ang tyan). Ewww! ang sagwa!

Payat daw ang lahi ko.

~ Peksman, hindi namin alam hanggang nanganak na mga babae sa pamilya namin. Parang sinumpa na kami maging less than 100 lbs magpakailanman. Sexy momma!

Hindi ako mahilig kumain.

~ kapag nalamanan na ang tyan ko, automatic na hindi na tatanggapin ng bibig ko ang isusubo ko. Parang nag-uusap ang bibig ko at ang kutsara.

Kutsara: Nganga na, sige na. Isa na lang...
Bibig: Wag ka nga makulit, iluluwa ko lang rin yang laman mo.
Kutsara: Ayaw mo, wag mo.
Plato: Ubusin mo naman pagkain mo, andami-daming nagugutom sa buong-mundo e.
Bibig: Ang tanong, pag kinain ko ba lahat yan, may mabubusog kahit isa sa kanila?

PS: Nakakainis at nakakasawa na isipin pa. Pero, nangangailangan ako ng himala. Kumakain na po ako ng maayos-ayos. Umaasang makahabol para sa susunod na buwan.

3 comments:

Alec Macatangay said...

hmm.. kaya pala hindi mo inubos yung adobo. tska kelan yung nabondat ka na ang sagwa tingnan? yung pool party?

tsaka ano ka ba? ang sarap sarap kumain e.. :p

Anonymous said...

common knowledge kse pag mataba is equal to healthy...

although yatots ka nga, pero healthy living ka naman...ok lang yan...sabi mo nga sexy momma....heheheh...

theories:
walang takdang oras ng pagkain
- they say the frequent you eat, your body craves for more...that's why according to studies, para at least maging "healthy-looking" eh every 4 hours kang kumakain..hindi naman sa isang bagsakan eh kakain ka ng napakarami

body frame
- maliit lang siguro kaw tingnan kaya akala nila payat ka (specially pag katabi mo si penguin...pisawt peng!)

nalipasan ng gutom
-kakatulog mo at dahil ala kang takdang oras, nalilipasan ka ng gutom...that's why when u try to eat, ayaw na tanggapin ng bibig mo

Anonymous said...

hay wish ko lang, mawalan ako ng gana kumain khet mga ilang days lang heheheh