Tuesday, February 28, 2006

Ano na?!

State of Emergency
Magulo na ba talaga ang Pinas o gumugulo lang dahil exaggerated ang 2 leading network natin? Minsan nakakainis manood ng tv. Kahit wala namang nangyayari, "nakatutok" sila. Yung mga tao naman na nanonood, since di naman sanay na di napapanood ang orig na palabas sa timeslot na un, aakalain na me "malubhang nangyayari" na nga. Kasi hindi naman iko-cover at tututukan kung wala lang di ba? Pero isipin nyo minsan, nagiging cause to ng mass panic. Yung mga iba na madali madala ng damdamin, di na nag-iisip. Nadadala agad sa mass hype. Pwede ba?! See things as what it is, and not what it seems. Di ko alam kung naiintindihan nyo ang ibig ko sabihin dito.

Jet-Lagged
For the past 17 days, I have boarded 10 planes and 2 boats. Balik-trabaho na ako simula bukas. Di ko alam pero mas kinakabahan ako this time.

Name That Tune
Baka me nakakaalam sa inyo kung bakit ang title ng latest song ng Kamikazee ay 'Narda' gayong di naman ito nabanggit kahit kelan sa kanta. Mas ok ba kung 'Darna' na lang? Wala naman, naisip ko lang. Katulad yan ng 'Name Game' o 'Simply Jessie' o 'Five Years'. Wala sa kanta ang title at pag nahiligan mo, iisipin mo na lang lagi bat ganun ung binigay na title sa kanta.

Terminal Fee
Ang ganda ng Centennial Airport. Sayang lang at di pa natin sya magamit ng lubusan. Eh di hindi sana masyadong nakakahiya ang arrival area natin. Alam nyo ba kung bakit tayo me P550.00 na Terminal Fee sa NAIA at P200.00 sa Domestic? For service at maintainance daw. Sa ilang libong tao na nagbabayad araw araw ng Terminal Fee sa NAIA, pwede na siguro ulit magpatayo ng mas malaking airport. O sige di ko na ipagpipilitan pa. Baka ipasara itong blog ko. Pero sana na lang, gawin nang main airport yung Centennial. Sayang eh. Yung lumang airport, gawin na lang bahay ng mga taga-immigration.

2 comments:

francesbean said...

Tinanong ko kay Jay (of Kamikazee), ang sabi nya kaya Narda daw yung title ay dahil wala silang ibang maisip...

Anonymous said...

naks.. thanks sa info! =)