Magkakaron na ng sequel ang Narnia: The lion, the witch, and the wardrobe. Ewan ko kung gusto nyo panoorin ito. Ipapakilala ko yung characters:
1. The Bitch - kapatid ng Witch. Katulad nya, gusto nyang sya ang pinaka sa buong kaharian. Walang paki sa nasasakupan. Unlike the Witch, si Bitch ay hindi "cold". Katunayan, lagi syang nag-aapoy sa galit.
2. The Hobbit - hiniram na character sa LOTR. Pakiramdam nya, sya ang inatasang magligtas ng sangkatauhan. Pwedeng kapatid ni Lucy kasi pareho sila ng size. Small but terrible. Terrible ang ugali hehe. O kaya dahil pareho rin sila mag-isip (Kumikilos ng hindi alam ano'ng dahilan. Remember the handshake?)
3. The Oracle - cameo appearance from The MATRIX. Know-it-all. Nakakasawa kasama. Parang walking encyclopedia. Malamang una 'to mamatay sa story. Boring kasi yung character nya.
Mainstays:
Mr. Thomas - Kind at heart pero di naiiwasang gumawa ng masama. Pag nagkagulo na (dahil sa kagagawan nya), babawi din naman. Kung ako sa mga bida, di ko patatawarin 'to. Bakit pa? The damage has been done.
Lucy - Masyadong adventurous 'tong batang 'to. Napapahamak ang mga kapatid nya dahil sa kanya. Well, actually, di naman napapahamak. Napapasubo lang?
The Lion - pasulpot-sulpot lang sa istorya. Mahal kasi ang talent fee. Sinisingit sa pelikula para mamangha tayo sa graphics at computer effects.
Wait and see kung sino pa ang dadagdag na characters sa sequel na 'to... pwede din mag-suggest kayo :D
No comments:
Post a Comment