Pinanood ko yung Moments of Love dahil bali-balita na Pinoy version daw ito ng Il-Mare . Tsaka mukhang ok yung poster tsaka yung reviews. Pati sa TV me Ingleserang babae na nagcomment na ok nga daw (so mukhang di sya jologs movie?) . Pati si Ate Sharon na Kapamilya, nagbigay din ng good feedback. Watdf? Andaming loopholes. Hindi justifiable yung mga nangyari. For instance, nanaginip si Dingdong about Iza, paggising narealize at nag-I love you ke Karylle (na one time lang nya naka-date). Eto namang sila Karylle, inlab agad ke Dingdong. Me paiyak-iyak pa nung sabihin na mahal daw ni Dingdong si Iza (self-pity ang dating), eh nagkape lang naman sila ni Dingdong no! Inlab agad? Ilang ulit pa nabanggit na familiar yung face ni Dingdong. Ang engot naman. Nasa bahay lahat ng paintings ni Lola, araw-araw mo nakikita, di mo na-realize in an instant pagkakita mo don sa actual na tao? Pati yung katulong, titig na titig ke Karylle as if me gustong sabihin. Ano yun? Wala naman silang connection. Lukso ng dugo? Di naman sila magkadugo. Sana di na lang nilagyan ng ganong eksena. Walang sense. Wala man lang closure yung character ni Paolo. Di nakahabol sa barko... o tapos? Sya yung antagonist na bigla lang nawala sa story kasi naisip nung writer mas maganda palang climax yung paglubog ng barko. Sana si Dingdong at Gloria Romero na lang ang nagkatuluyan? Asar. Pero bilib ako sa acting ni Iza. Sya yung tanging actor na magpapa-feel sayo nung story. Si Dingdong umiyak ng umiyak. Natawa ako. Tsaka what's with the 3 main actors playing 'Moments of Love' in piano? Lahat sila me eksenang tumutugtog nun... coincidence? Pilit na pilit. Tsaka utang na loob ha, kahit tanggaling yung characters nila Jojo Alejar, Dion at Isabel Oli, di mo mapapansin. Could've been a better movie if the story was well written. Maybe this movie will have a remake probably after 20 years... and Karylle will be playing the role of Gloria Romero. Nga pala... me nahanap akong outsider's comment. Mas naexplain dito kung bakit (hindi) dapat pagtyagaan 'tong movie na 'to.
Surprisingly ok. Tawa kami ng tawa habang nanonood nito. Mababaw man, di naman trying hard. Sulit yung bayad.
Pinanood ko lang sa laptop during Lenten Season. Ok pala talaga. Kaya nanalong best picture. Independent film pero all star cast. Ang galing. Me sundot yung story, mapapaisip ka after watching the film.
Surprisingly ok din. Realistic and humorous. Walang pretentions yung movie. Nilahad according sa story and well-portrayed nung lead actors yung roles nila. Cool.
Nakaka 2 hours na kami sa sinehan, tinatanong ko yung mga kasama ko kung meron bang twist yung storya. Kalahati na yung story wala pa rin kami makitang problem. Bwahahaha. La lang. Sayang naman, parang binida lang sa story yung shooting location.
Waaa. Gusto ko maiyak after nung movie. Di ko alam kanino ako maawa. Ang gwapo ni Tristan! Bibili ako ng dvd nito pramis.
* Di naman po ako nagmamagaling na movie-critic. Pero naman... nakakainis din madalas nasasayang yung bayad natin sa sinehan di ba?
3 comments:
abangan natin ang sukob!
si idol claudine ung andun hehehehe kesa ke dingdong karylle! yuck!
maganda daw pamahiin :D
ahhaha couldn't say more..umabot dito sa dubai ang pirated cd ng moments of love, i watched it, excited pa ko kse nga matagal na kong di nakkpanuod ng pinoy movies! ayyy lech! nabuset lang ako sa walng kastorya-storya! kaasar...isama mo pa un shake rattle & roll nila ai ai na wala ding wenta!
ano na b tlga nangyayare sa industriya ng pinas????
Post a Comment