1. maganda kaya ang Superman? Di ako ganon ka-excited. Di ko kilala yung bida, at yung gaganap na Lois Lane parang di bagay sa edad nya. O nasanay lang ako sa pa-sweet image nya?
2. Bumalik ako sa St. Paul nung sabado. Ang malas naman, araw daw ng Maynila. Hanggang gate lang tuloy ako. Bwehehe. There goes my attempt to conquer one of my fears.
3. Nakapaglaro na ulit ako ng bowling. Pero sapilitan eto. Me magaling kasi kaming kasama. For fun lang dapat, nauwi sa pustahan. Lagi lang akong 9. Di ko marunong mag-spare. Wawa =(
4. Inupgrade ko yung Winamp ko. Nairita ako. Di kasi nagpi-play ng next song. Di ako marunong. Patulong naman please. Alec? Jason?
5. Sarap talaga sa Pinas. Sana wag muna kami paalisin. 'La na ako datung pero oks lang =D
6. Lapit na kasal ni Kenks at Wiwit. Uso talaga ang kasalan ngayon. Ang yaman na siguro ng mga nasa wedding business. Makisawsaw kaya ako? Cake sana kaso di ako marunong magbake. Photographer? Eh wala naman akong pamatay na camera. Coordinator? Mainitin ulo ko baka tajakan ko lang yung mga magiinarte. Host? Stage fright. Da hell. Wag na nga lang!
7. Naisip ko na kung ano namimiss ko. Yung after office hours, living a normal life ka na. Parang antagal ng di nangyayari sakin yun. After office hours, nasa office pa rin. At kahit nakauwi na, trabaho pa rin ang naiisip. Mental check: One two... one two...
8. Nahihilig ako sa mga ulam na may bagoong (simula ng mag-binagoongan kami sa Tunisia). Pritong talong with bagoong, Kare-kare, Pakbet, Bicol Express, at syempre Binagoongan... yummmm!
9. May masarap na mini-pandesal sa LKG. Ngayon lang ako nakatikim ng pandesal na flavored pesto, peanut butter, peanut butter at pimiento. Kakaiba.
10. Nanonood na naman ako ng Koreanovela. My Girl tsaka A Love To Kill. Yahoo!
No comments:
Post a Comment