Friday, July 21, 2006

10 Things To Do After Matinding Breakup

Malapit na kayong mag-9th monthsary ng boypren mong pogito ng bigla na lang... hindi na sya nagpaparamdam. Mega-worry ka, baka nashoot sa imburnal. Baka kinidnap. Baka napagtripan ng mga adik sa kanto.

After 100 texts at 101 missed calls, nag-hello sa kabilang linya "HELLO!!? Babe? mahina signal dito, nasa bundok ako. Babe I think we need some time apart. Di na kita mahal, magpapari na lang ako."

Ang walanghiya!!! Magpapari sa bundok! Nanlalaki ang butas ng ilong mo, ganito pala ang feeling ng mabasted ested ma-dump. "Humanda sya!" sa loob-loob mo. Pero sa totoo lang, di mo alam ang gagawin mo. First time ito!

10. Let it flow.
~ Umiyak ng umiyak. Ngumawa ka na buong araw/gabi. Ngayon ka me karapatang maging drama queen dahil sawi ka sa pag-ibig. Si Bea Alonzo nga umiiyak kahit kuko lang ang masakit e, ikaw pa kaya?

09. Girlfriends Volt In!
~ Sa mga ganitong pagkakataon, sino pa ba ang masarap ngawaan kundi ang closest friends. O kaya ang sister o mudra mo na handa kang damayan sa ganitong pagkakataon. Kaya sige na, wag na mahiya. What are friends for? Mag-emergency meeting na, dali!

08. Nevermind the 1 Million Dollar Question.
~Tama na ang mga tanong na walang sagot. Di ka naman si Manang Bola at wala kang Perlas na Bilog. Kung ayaw nya magpaliwanag, eh di wag! Ikaw na nga ang iniwan, ikaw pa ang sasagot ng mahiwagang tanong?

07. Bitter-bitteran.
~ O sige na, hindi sya masaya sayo. Di ka kasi ganto. Kulang ka sa ganto. Oweno ngayon? Di din naman sya perfect. Ang lakas nga nya umutot di ba? Tapos medyo baduy pumorma. Nakafit na jeans at rubbershoes?! Eww.

06. No money, no honey.
~ Wala na si honey pero it doesn't mean you have to go broke. Ayaw mo na magkulong sa kwarto kasi it's still a mess (mula sa pagbabasag mo ng picture frames at pagpupunit mo ng mga loveletters at pictures nyo). Window-shopping? Delikado yan. Unless iiwanan mo credit card mo sa haybol and 100 pesos lang ang dadalhin mo sa Kamiseta Sale.

05. Clean the Clutter.
~ Itago/Itapon ang mga bagay na magpapaalala sa kanya. Cell number? Delete. Emails? Archive. Stuffed Toys? idonate sa "Ma-AGA ang Pasko sa Jollibee". Dried Petals ng first flowers na binigay nya? Yaaak! Pictures? Trash bin. 24K Necklace, uy mahal yan. Wag mo na ibalik. Tutal binigay na sayo eh hehe.

04. Sige na, Indulge.
~ Pagod ka na kakaligpit ng mga kinalat mo. At wala ka ng mailuha. Parang ang sarap ng coffee crumble na ice cream. Tapos me Honey cake sa ref. Wow! bakit ka nagpipigil? Ang sarap-sarap e. Watya waiting for? (mamaya magsit-ups ha, 30 reps. Tapos medyo losyang ka sa suot mong jammies at loose shirt, palitan yan ng sexy top with low-waist jeans mamaya sa gimik ok? It's time to shine again!)

03. Don't forget me.
~ Did you know that the best poems are written when you're brokenhearted? OO, kala mo lang hindi ka writer. Isulat mo lang ng isulat lahat ng naiisip mo at this time. Malay natin, manalo yan ng Palanca Award. Kung hindi naman, magagamit mo yung mga sinulat mo para pagtawanan natin later on.

02. It's not you, it's ME.
~ Andami na nangyari eversince he called ano? Kamusta na kaya ang hunghang? Buti na lang di ka suicidal. At swerte nya hindi ka clingy, stalker-type ex-girlfriend. You recovered gracefully. Mental check, A-Ok. Kayang-kaya di ba? Welcome back girlfriend, you're a survivor!

01. "Hello, gorgeous!"
~ Hi yourself. Practice this line: "Girls with butts like mine, do not talk to boys with faces like yours" hehehe. Joke lang. You're back in the game. This time, you're a little bit wiser ;-)

ps: May male version na! Click this.

Wednesday, July 19, 2006

Artik: Ikaw Pa Rin ( Confessions of a Two-Timer Part2 )

"Nang matapos na’ng mga araw na ika’y sa aking piling, iniibig ka pa rin..."

Parang kelan lang, ginawan kita ng artik. Dito mismo sa blog na ito. Ambilis ng pangyayari (o masyado lang ako nawalan ng oras para sa'yo?). Nagising ako isang araw, iba na takbo ng mundo. Umalis ka na, iniwan mo 'ko. Walang warning. Para akong madedepress nung nalaman ko. Ang lungkot-lungkot ko.

"Nang maglaho na ang sikat ng buwan at araw sa tuwing magdamag, ikaw pa rin."

Di na muna ako bumibisita sa tambayan natin. Para ano pa?

"Bakit nga ba iyong puso’y sinugatan habang pagsisisi ay hindi na kailanman mawawala."

Panahon nga marahil ang dahilan. At di ko nabigay iyon sayo. Pero kahit nasan ako, naaalala kita. Once in a while dinadalaw pa kita. Hindi ba enough iyon? Higit ba don ang gusto mo?

"Sa maghapon ay iniisip ka lamang at ang mga nakaraan na kay saya."

Bat ka ba umalis? Arghh. Nasisiraan na ata ako ng bait.

"At kahit naglaho ka na, muling sumama sa kanya
Sa aking puso ay ikaw pa rin, ikaw pa rin."


Tanggapin ko na kaya ang pangyayari? Balewala ang maghabol. Masaya na rin naman ako. At ikaw, ang swerte ng pinapasaya mo ngayon.

"Ngayong kahit siya'y akin,
sa kanyang yakap at lambing
ang ninanais ay ikaw pa rin, ikaw pa rin"


Goodbye Rhumba® Frap. Hello Java Chip® Frap.

Note: Wala na pong Rhumba Frap sa Pinas. Pinalitan na ng Java Chip. Coming from Starbucks Website, eto ang contents ng dalawa:

RHUMBA®
Coffee, chocolate and chocolate biscuit chips blended with ice, topped with whipped cream and chocolate drizzle

JAVA CHIP FRAPPUCCINO®
Chocolate and chocolate chips blended with ice, topped with whipped cream and chocolate drizzle.

ps1: I still love Rhumba. Waaaa.
ps2: For the complete lyrics of the song Ikaw Pa Rin by Juana, click this
ps3: read the original article entitled "Artik: Confessions of a Two-Timer".

Wednesday, July 5, 2006

Usapang Panty

Matagal ko ng gusto isulat 'to. Ang inspiration? Yung mga kapwa ko babae na bumamaba ng shuttle na walang pakialam kesehodang makita ng lahat kung ano ang panty nya. Wala namang masama sa panty di ba? Walang pakialamanan? Pwes meron! It's about time na pagusapan natin 'to dahil nakakahiya na. Nakakahiyang makita namin ang mala-LOLA or mala-BACON nyong undies. At kung makapal na talaga ang mukha nyo, pwes maglesson 101 tayo kung ano na ang mga usong panty ngayon.

1. hipster lowrise
~ dahil uso na ang mga low-waist at hipster pants (ang sagwa naman na mas mataas pa yung panty kesa sa pants d ba?)
when to use: for casual wear

2. boy short
~ ideal din for hipster pants
~ pwedeng gamitin under slacks para kung di maiwasan mag VPL (visible panty lines), di naman gaanong nakakahiya.
~ great sleepwear option (i agree)
when to use: best for summer skirts & dress

3. V-back
~ ang hirap i-explain. but when you sit down, you're assured that your panty is still unseen so you don't need to pull the back of your shirt to cover it.
when to use: when you're uncomfortable wearing that lowrise jeans or you would be sitting in front of your crush or your boyfriend's parents hehe

3. brief
~ o sige na, para sa mga manang. pero utang na loob, kung mahilig kayo dito, please check kung mas mataas pa yung undies nyo kesa sa pants nyo. Check nyo rin kung uupo kayo, nasisilip ba yung likod... and kung bacon na, please, wag nang matigas ang ulo. ITAPON na!
~ may mga brief style with lace. parang mas advisable to. at least makita man, sexy pa rin d ba?
when to use: ewan ko, maybe in one of those im-not-in-the-mood-today days.

4. seamless
~ for subtle look, almost invisible under clothes
when to use: light-colored skirts & slacks

5. g-string, t-back, thong
~ sometimes i get the feeling that women wear this to intentionally be seen especially when wearing jeans. At least nga naman di nakakahiya like briefs.
when NOT to use: Given na it's the sexiest type of panty, it shouldn't be worn when you don't enjoy attention and you're not ready for some 'unnecessary comments' especially from male populace.
when to use: all the time! it's barely there anyway hehe


Not convinced? read Maikling Kwento ng Isang Panty (written by a guy named CHINITO for PEYUPS.com. Mike, sorry di ako nakapagpaalam. Wala ka sa YM e. Thanks hehe.)

Tuesday, July 4, 2006

Extinction ng mga Gwapo

Today, I would write about the obvious.

1. May shortage ng mga gwapong lalake sa mundo.
2. May gwapo nga, kadalasan bading naman.
3. Hindi nga bading, may-asawa naman.
4. Wala ngang asawa, may attitude problem naman.
5. Wala ngang attitude problem, magpapari naman.

may version din si Tangkad -> click here.

ps: Be, wag ka wori. dun ka sa #3. hehe. (i love my own)