Wednesday, July 19, 2006

Artik: Ikaw Pa Rin ( Confessions of a Two-Timer Part2 )

"Nang matapos na’ng mga araw na ika’y sa aking piling, iniibig ka pa rin..."

Parang kelan lang, ginawan kita ng artik. Dito mismo sa blog na ito. Ambilis ng pangyayari (o masyado lang ako nawalan ng oras para sa'yo?). Nagising ako isang araw, iba na takbo ng mundo. Umalis ka na, iniwan mo 'ko. Walang warning. Para akong madedepress nung nalaman ko. Ang lungkot-lungkot ko.

"Nang maglaho na ang sikat ng buwan at araw sa tuwing magdamag, ikaw pa rin."

Di na muna ako bumibisita sa tambayan natin. Para ano pa?

"Bakit nga ba iyong puso’y sinugatan habang pagsisisi ay hindi na kailanman mawawala."

Panahon nga marahil ang dahilan. At di ko nabigay iyon sayo. Pero kahit nasan ako, naaalala kita. Once in a while dinadalaw pa kita. Hindi ba enough iyon? Higit ba don ang gusto mo?

"Sa maghapon ay iniisip ka lamang at ang mga nakaraan na kay saya."

Bat ka ba umalis? Arghh. Nasisiraan na ata ako ng bait.

"At kahit naglaho ka na, muling sumama sa kanya
Sa aking puso ay ikaw pa rin, ikaw pa rin."


Tanggapin ko na kaya ang pangyayari? Balewala ang maghabol. Masaya na rin naman ako. At ikaw, ang swerte ng pinapasaya mo ngayon.

"Ngayong kahit siya'y akin,
sa kanyang yakap at lambing
ang ninanais ay ikaw pa rin, ikaw pa rin"


Goodbye Rhumba® Frap. Hello Java Chip® Frap.

Note: Wala na pong Rhumba Frap sa Pinas. Pinalitan na ng Java Chip. Coming from Starbucks Website, eto ang contents ng dalawa:

RHUMBA®
Coffee, chocolate and chocolate biscuit chips blended with ice, topped with whipped cream and chocolate drizzle

JAVA CHIP FRAPPUCCINO®
Chocolate and chocolate chips blended with ice, topped with whipped cream and chocolate drizzle.

ps1: I still love Rhumba. Waaaa.
ps2: For the complete lyrics of the song Ikaw Pa Rin by Juana, click this
ps3: read the original article entitled "Artik: Confessions of a Two-Timer".

6 comments:

Anonymous said...

yep, tama po na java chip frapuccino yung kapalit ng rhumba.. pero ang difference lang nila is choco biscuits gamit sa rhumba and choco chips naman sa java chip... hehehehe... yun lang talaga...

pero nde lang sa pinas, across all starbucks i think yung pagpalit sa rhumba ng java chip... pero i heard, in the future, starbucks might feature rhumba as their promotional drink of the month...

Anonymous said...

wow sumagot representative natin from Starbucks! woohoo! hehehe

nung natikman ko ung Java Chip, parang me kulang. wala yung "effect" na mahihilo ka hehe. Yung rhumba me kape e. Yung Java chip ba meron?

Anonymous said...

hehehe... yung mga frapuccino blended coffee drinks nila ay may kape talaga... kahit yung light blended coffee... kasi kasama sa base mix nun yung coffee...

i doubt kung may additional shot of coffee yung rhumba... pero antay ko na lang ang confirmation ng partner ko regarding sa recipe differences nung dalawa... ;-)

wala na kasi ako access sa recipe book nila.. kaya nagtanong ako to be sure.. hahahaha...

Anonymous said...

e ung java chip kaya me coffee? ayun, nauumay pala ako sa java chip kaya d ko masyado gusto. unlike sa rhumba, matapang yung dating. nakakagising.

oh well, sad talaga. huhuhuhu. ibalik na ang rhumba ko!!

Anonymous said...

...me pagnanasaan lang, kape pa...SM sa kape...

blue_palito said...

anyenye. ano ga yung SM?