Monday, October 9, 2006

The Makings of An Idol

Cold Feet.

May mga taong pinanganak para magperform. May mga taong bihasa na magperform. May mga taong gustong-gusto magperform. May mga taong pinipilit lang magperform. At may mga taong mas mabuti pang wag na magperform.

Bakit pumipikit?

Kunwari nasa banyo ka lang, ginaganahan maligo kaya napapakanta. Para di na makita yung reaction ng mga taong nanonood/nakikinig. Kunwari natutuwa sila. Kunwari wala sila. Kunwari lang ok ka pa.

Pagpiyok/pagkawala sa tono.

Kadalasang kinatatakutan. Kadalasang resulta pag kinakabahan. Pag mahina-hina ang puso mo, mas gugustuhin mo pang himatayin sa harapan. O kaya bumuka ang lupa at lamunin ka na lang. Cool ka lang. Wala yan. Pag may nagreklamo, show them the finger (pakyu ka, ikaw kaya ang kumanta?) hehehe.

Auto-Pilot.

Eto yung 5-minute state na hindi mo na alam kung anong pinaggagagawa mo. Kumbaga, kung ano yung naiprogram sayo habang nagpapraktis ka sa banyo, yun na lang yung pagkakatiwalaan mo. Di mo na maiisip kung nasa tyempo ka pa ba, nasa tono ka ba. Gumagana pa ba yung minus-one? Me kasama ka pa ba sa stage? Bahala na. Manunumbalik lang sa normal ang lahat paglabas mo ng kwarto at napagtawanan (este nacongratulate) ka na ng karamihan.

Time frame.

Hanggang december pa kami ganito. Siguro naman by that time, manhid na kami sa kaba (at mga posibleng pagtatawa ng mga nanonood). Good luck sa ating lahat. For fun lang daw *sabay ngisay*

6 comments:

Alec Macatangay said...

iwasan na lang natin ang mga gustong gusto magperform na hindi dapat magperform. heheh.. tulad ko.. :p

Anonymous said...

hahaha... that remains to be seen.
lagot, malapit na kayo hatulan hehe.

francesbean said...

nuks. hehe. go cueshet. :D

Anonymous said...

so nakaautopilot ka nung nagperform ka??? :D kasi parang lumihis sa tono eh =D tsaka ano yung nangyayari dun sa kamay mo nung ikaw kumanta?? kumukumpas magisa eh. aware ka ba nun?? baka naposses na rin yung kamay mo =|

tsaka send mo sakin kung anong trip mong pasalubong. pag tinopak ako magpapasalubong ako ng camel. bahala ka na kung pano mo lulutuin yun :|

Alec Macatangay said...

asan yung akin?

Anonymous said...

dude d ma-upload ung sayo sa YouTube pano anlaki ng file hehe... pano nga namin mapapanood?