Pre-requisite:
1. Magfill-up ng form -> DS-156
2. Magbayad ng Application Fee sa BPI
3. Magpa-schedule ng Interview. Tumawag sa Call Center. Maghanda ng mahigit 1000 pesoses sa fone bill. P53 per minute. Bawal magtelebabad. Tigilan ang pakikipag-fonepal. Wag na makipag-flirt! Mahal eto mga dude!
4. Wag kalimutan ang pinakamamahal na passport.
Sa araw ng interview:
1. Pumunta ng at least one hour bago sa scheduled appointment at ihanda ang sarili sa anumang disappointment.
2. Bumaba sa No Loading/Unloading Zone at pumila sa labas (may nagchecheck ng mga bagay na binanggit ko sa taas).
3. Makinig sa sumisigaw. Wag muna pumila ang mga alas-otso. Lagyan ng 'NA' ang mga blankong sagot sa papel.
4. Pag pinapasok ka na sa compound, pumila sa gate 2 or 3 para sa body scanning. Parang airport. Panahon na para mahiwalay ka sa iyong pinakamamahal na cellfone. Bawal ang mga electronic gadgets! Mag-iwan ng ID.
5. Pumunta sa non-aircon room. Kumuha ng number. Isasubmit mo ang pre-requisites. Sabi nang sulatan ng 'NA' ang mga blanko eh!
6. Me number ka na? Upo na sa bench. Feel at home. Matagal ka dyan. Kung mautak ka, nagdala ka ng kahit anong panandaliang-aliw. Nakakaloka. Mamememorize mo na ang mukha ng katabi mo. Mga 1.5 hours ka dito kafatid. Ang hinihintay mo ay ang FINGER SCANNING! Woohoo.
7. Bago mag finger scanning, tiyakin na tuyo ang hintuturo. Wag na mandiri sa scanner. Feel free, ilapat ang daliri (parang nakahiga sa kama).
8. Wag muna kabahan, pupunta ka na sa aircon room. Maghintay tawagin ang numero. Iinterbyuhin ka na! Mag-CR ka muna. Retouch. Take your time. Matagal ulit yan. Me sumisigaw nang aplikante. Me umaalis ng malungkot, me ngising-ngisi. Naku!! (1.5 hours ka ulit dito)
9. Opps! Ikaw na daw! Syet. Na-blanko ba utak mo? Hinga ng malalim. Saang window ka? SMILE, smile, smile. Teka, me tinatanong na... sagutin mo! "What will you do in US?" Err, can I call a friend? I need a lifeline. Hihi.

No comments:
Post a Comment