Wednesday, January 31, 2007

Amazon: A Shopping Heaven

"Ano itong kakaibang nadarama twing binibisita kita. Di ako mapakali, hinahanap-hanap kita."

Mga dude, ayoko maging corny. Pero sa sobrang tuwa ko, napapatula ako bwehehe. Ano 'ika nyo 'tong nasa kanan? Mga hard-to-find dvds/vhs yan dito sa Pinas. Actually parang phase out na dito. Salamat ke fafa na nasa US, nakabili kami. Yung iba dyan, thru Amazon.com. Wala ako masabi. Nakaka-adik mag-online shopping. Swak na swak sa lifestyle ko. Hehehe. Wala akong pinagsisisihan. Bukod sa humahabang listahan sa credit card. Pero bukod don, WALA na! Mas mura pa mag-amazon kesa pumunta sa mismong tindahan.

Si fafa, walang magawa kundi mapakamot ng ulo sa twing me package na dumarating sa kanya (na actually, di naman para sa kanya. Taga-tanggap lang sya). Buti na lang mabait hehe.

Meant for you ang Amazon kapag:

1. Nagrereklamo ang kasama mo pag nagsha-shopping ka. Matagal ka daw pumili. At madalas, kahit binigyan ka na ng dalawang oras, di ka pa rin makapag-decide kung ano ang bibilhin mo. "White o Peach cardigan?"

2. Wala kang oras mag-shop (kabaligtaran ng #1).

3. Gusto mo magcompare-compare ng price at quality (ng hindi umaalis sa kinauupuan).

4. Me kakilala ka sa US na uuwi (plus factor).

ps: OK, para matuwa si fafa, ganito na lang: Thank God for Victoria's Secret hehehe.

ps2: Nakuha ko na pala yung mga books...yahoo!

Mga repapips, wala pang 500 pesoses each (kasama na shipping charge). Hardcover na, brand new pa. Samantalang sa National Bookstore nasa 1500. Hmmf. Mga walang katuturan lang naman: Sophie Kinsella, Agatha Christie, at Nicholas Sparks. (eh bakit ba, walang pakialamanan!)


1 comment:

_emanon_ said...

at may parating pa!!! :D hehhehe,,, keep them comin... oh yeah ...