Wednesday, March 14, 2007

latest karanasan

Busy busy day. Ang bagal ng internet. 1 week na, di ko pa tapos idownload ang ep18 ng Gilmore! Uy, sale na naman ang VS. Oorder ba ako? Pano iuuwi sa Pinas?

Biglang....

in English

bearer of bad news: May prob daw user mo, di malagyan ng value yung isang field sa screen.
me : huh? talaga? kakafix ko lang yun a.
bobn: Puntahan mo sa 3rd floor. Pangalan nya $%#..
me : ano daw?

punta muna ako sa ibang user, naki-usyoso ng screen na me problema.

me : pede maki-istorbo? patingin naman ng screen, di daw kasi malagyan ng value ung field.
user1: ok naman a.
me : me chance ba na magkaiba ang version ng screen nya sa screen mo?
user2: (nakisingit) wala.
user1: tawagan mo ulit.

tawag naman ako....

me : hello? is this $%#..? (buti mejo same pronounciation ng totoong pangalan nya)
user3: yes, me problema ako sa screen na inayos mo.
me : sure ka? kasi ok naman dito ke user1 at user2.
user3: yes, di kami makatuloy sa transaction ngayon. punta ka dito sa 3rd floor.

geez...
pagdating sa 3rd floor

screen saver: Hey Abu Sayaf! (para sa kanya, lahat ng Pinoy, Abu Sayaf)
me : Hey! Abu Sayaf is dead (gagong to!) *sabay smile*
user3: please check the screen.
me : OK, ano po bang field ang nilalagyan nyo ng value?
user3: etong RATE field.
me : hindi naman yan yung rate field.
user3: eto yung rate field!!!
me : (hinga muna ng malalim) Look at the label. It says %^$ (insert another field name here). Eto yung rate field! (anlaki laki ng sulat, nakalagay RATE arghhh) *smile lang ng smile*
user3: ay oo nga. sorry. *sabay ngisi*

ok, so much for today. bukas, ganyan na naman yan....

1 comment:

_emanon_ said...

hahaha user blooperssss!!!