Andito ako sa bansa na kung saan...
1. Lahat ng gusto ko kainin, mahahanap at mabibili ko.
2. May mapupuntahang lugar kahit anong oras ko gustong lumabas.
3. May silbi ang barya.
4. May pirated dvd.
5. Affordable ang magpaprint ng litrato.
6. Mura ang text.
7. Mahirap daw ang mga tao pero me pambili ng gasolina at pambayad ng 8 hours sa carpark.
8. May mga lamok sa tuktok ng nasa harap ko sa simbahan.
9. Beach ang sagot sa lumalalang init. At mas mabenta ang Havaianas kesa sa mga sunblock.
10. Dalawang linggo pa bago ipalabas, puno na ang 730pm slots ng Spiderman 3.
11. Umagang-umaga, nangungulangot ang lalakeng katabi ko sa shuttle.
(dudugtungan)
16. Pinakamasarap na popcorn ay galing sa Holy Kettle Corn at ang pinakamasarap na panulak ay C2! (wow! plugging)
17. May parlor at videoke sa bawat kanto.
2 comments:
12) maraming nakakairitang political ads sa tv at nakapost kung saan saan dahil nalalapit na ang eleksyon.
13) maraming laway at plema sa dinadaanan mo (yuck!)
14) mura ang pamasahe relative to other countries
15) may tabo sa banyo
at bakit ka naman nahilig sa holy kettle korn? aber?!
apols
Post a Comment