Tuesday, October 30, 2007

Araw na ng mga patay

Wala ako sa opis ngayon kasi… me bibisitahin kami sa Cebu. Mahalagang tao.

Bago dumating yung pangangailangan na me bisitahin kami sa Cebu, simple lang ang Nov 1 and 2 ko. Nasa bahay, nakahilata. Nanay ko na bahala sa mga dapat naming bisitahin. Minsan sumasama kaming magkakapatid pero saglit lang. Boring naman kasi tumambay sa mga sementeryo no? Tapos trapik pa. Tapos mainit.

Pero simula sa taong ito, iba na.

Isa yan sa magbabago kung mahalagang tao ang “nawala” sa iyo. Parang me panata ka. Na bibisitahin mo sya sa araw na yon. Actually, pwede namang anyday. Pero madami tayong rason bakit di natin nabibisita ang puntod nila. (Parang simbahan yan e. Sabi ng iba, bakit kelangan pa magpunta sa simbahan kung pwede naman kausapin ang Diyos kahit saan?)

After effect lang yang pagbisita sa sementeryo. Pero kung babalikan mo yung nangyari, kung bakit ka bumibisita sa kanila…

Ikaw ba, how do you go through a death of a loved one?

How do you handle the pain?

I don’t.

{forever in denial}

2 comments:

francesbean said...

same here.
it's the hardest thing.

Anonymous said...

sa akin din kapatid..dati di ko napapansin ang NOV 1 & NOV 2 . Dati, sumasama lang kami sa kung sino na pupunta sa sementeryo..pero this year, IBA na..pagdating natin dun, nung ako lang mag-isa ang pumunta sa sementeryo, sleep pa kayo nun..parang ayaw kong lumapit eh =(