Monday, November 19, 2007

DELL

May bago akong laptop. Di pala sa akin yun. Sa kumpanya, pahiram lang.

Di hamak naman na mas maganda ‘tong bago kesa sa luma. Kung maganda yung luma at walang topak, di naman yun papalitan di ba?

Para rin palang relasyon ‘tong ginagawa ko.

Uninstall. Re-install. Napansin ko lang, mas matagal mag-install kesa uninstall. Parang investment (ng emotions). Kung tutuusin, segundo lang ang pag uninstall. Samantalang nung nag-iinstall ka, minsan overnight pa bago matapos. Pero pag maghihiwalay na, (sa iba) mabilis lang. Yung iba nga, uninstall na lang, nag-eerror pa. Di kaya i-detach ang sarili. Kaya advice ng karamihan, delete na lang. O kaya reformat. Para start a new life.

Upgrade. Natutunan mo na meron pang mas ok dun sa lumang laptop. Kaya mas magandang specs ang pinili mo sa bagong laptop. Pati mga software, upgraded. Kasi yung luma, parang beta version. Dami pang errors. Yung bago, malamang di naman yun perfect. Pero… nakakasawa na din kasi yung problema sa luma. Kahit pa ilang beses mo i-scan, sasabihin walang error. Pero nagtotopak naman palagi.

Back-up ng files then transfer. Matrabaho ‘to. Delikado pa. Pano kung habang nagtatransfer, maputol ang connection? Ok lang ba sayo mabura yung ibang files mo? Enough na bang pampalubag-loob na bago at mas maganda naman yung bagong laptop mo? Gawa ka na lang ng bagong files? Bayaan mo na yung na-corrupt sa lumang laptop.

Ano na nga pala gagawin sa lumang laptop? Ibibigay sa iba? Iba na ang gagamit? Ok lang naman yun kung time na talaga na palitan sya. Pero pa’no kung enjoy ka pa sa laptop mo tapos kukunin ng iba? Or worse, masira kasi hanggang dun lang ang lifetime nya?

Sa ngayon, di pa ako kumportable sa bagong laptop ko. Nangangapa pa. Paminsan-minsan gusto ko na lang gamitin yung luma. Kaso simula ng ginive-up ko sya, wala na akong karapatan sa kanya. Iniisip ko pa kung ano ang magandang add-on sa laptop ko para maging at ease ako sa kanya tulad sa luma. Pero baka naman di ko kelangan mag-try hard. Let things fall into place. There’s nothing in this world that time cannot fix…and most probably, cannot heal.

All those in favor, say "Aye".

5 comments:

jay said...

aye!

Anonymous said...

walang koneksyon sa pagsenti.
pero napag alaman ko na kaya naging DELL ang ating bagong laptops eh dahil SUNGARD na tayo. US Company. d ko naintindihan kung me tie-up with Dell o kung ano man. basta parang ganun. hindi choice ng IT team natin na DELL ang kunin dahil mas maganda sya sa HP. sharing lang.

kaigachi said...

aye! been there, done that. my 1st laptop spoiled me real bad. naging mapaghanap ako of course, mapag-compare. still, u'll come to love the new one even for the simple reason na kasi siya na yung nandyan and lagi mo kasama e...pero since u've had a taste of d best, parang waiting lang til babalik ka ulit dun, if not get something better than that first one. oo nga, parang love story. hehe. nga pala, browser recommendation: Mozilla. try mo mam sarah yung red shift. wala lang. ganda and galing! blazing red and black. :)

Apols said...

mas malalim pa ang ibig sabihin nitong blog na to ah ;)

kaya mo yan, step out of your comfort zone daw minsan kelangan daw un para hindi boring ;P

Anonymous said...

ang lalim naman ng iniisip mo =| wag mo na i-uninstall. pahirapan mo pa sarili mo eh. benta mo nalang kagad. or itapon mo sa ilog =| laptop lang eh.