Tuesday, July 29, 2008

Paulinian Ito! (galing sa prenster)

1. saan ka nag College?
~ Saint Paul College of Manila (St. Paul University of Manila na ngayon)

2. saan ka naka-upo?
~ madalas sa likod, katabi ni Ty. Nahuli tuloy kami nagchi-chess during Accounting.

3. anong kulay ng ballpen ang lagi mong ginagamit?
~ black na Panda. Mahal yung Pilot. Pang-rich kids.

4. pala-recite ka ba?
~ tamad eto uy. goal ko noon maka-graduate lang (kahit pasang-awa).

5. nagpapakopya?
~ Jing, nagkokopyahan ba tayo?

6. nagdadala ka ba ng sarili mong papel?
~ nanghihingi lang para tipid.

7. nasa top ten ka ba ng klase?
~ Last ten ata.

9. eh (mga) pinaka-favorite mong gawin?
~ Pasahan ng messages with tropa using scratch paper (yung likod ng chinese calendar na dala ni Jing)

10. pinakaayaw mong classmate?
~ Yung mga anak ng Diyos dun hehe. Ideal kasi: matalino, mayaman, masunurin. Eh pasaway kami.

11. anong subject ang may highest grade mo?
~ highest...? Yung mga subjects na walang relevant sa course ko.

12. lowest?
~ Yung major subject haha. Buti di ako natanggal sa ComSci.

13. sino ang crush mo during those days?
~ Yung ano... yung unano sa music hahahaha. Peace 'tol.

14. ano ang theme song mo sa kanya?
~ Be my number two ata kasi narinig ko tinutugtog nya (piano) sa hallway. Tinamaan ako hehe.

15. fave events?
~ General assembly pag friday. Kasi tumatakbo na kami palabas non...

16. saan ang paborito mong place sa classroom?
~ sa hallway lang, nakaupo sa sahig.

17. natutulog ka ba sa klase?
~ mahirap kaya.

18. favorite mo ba ang p.e.?
~ hinde. lampayatot kasi ako. tsaka nakakatamad magbihis. tapos pawis-pawis pa, walang shower sa gym. eww.

19. may swimming pool ba kayo sa skul?
~ Meron. Ang ginaw. Badtrip. Lamig ng pool e 1st sem pa naman namin subject yun, tag-ulan.

20. basketball court?
~ Yun ba yung nasa quadrangle na never nagamit?

21. naisip mo na bang sunugin ang skul niyo?
~ hindi naman. haha. mababait naman mga madre dun.

22. nagprom ka ba?
~ Sa hiskul yun di ba? Meron kami Marriage Encounter. Kami mag-iinvite ng boys. Uyyy. Kadire balikan haha.

23. may nakaaway ka bang teacher?
~ Haha yung epal na bumalik para maghiganti sa batch namin. Lolz. Kilala na ng lahat kung sino yun. Sa batch namin, wala ni isa sa honor's list nung graduation dahil sa kanya.

24. ano at sino ang pinakanamimiss mo nung College?
~ Uniform namin, kahit maluwag sakin, feeling ko carry ko na sya ngayon :D

~ Table tennis hanggang gabi. Tambay sa bahay nila Pia. Nood ng sine sa Annex. Kain araw araw sa KFC.

25. kung may babalikan ka sa college, anu or sino yun??
~ Si Manong Checa. Hehe. Sabihin ko iupgrade na yung Computer rooms. At palitan yung printer. Ubos lagi yung tinta e.

~ Hanapin ko si asawa tuwing labasan. Kasi gf nya pala non Paulinian din, kabatch ko pa. Sabihin ko, "Oi kung sino-sino sinusundo mo. Alam mo ba, wala ako lablayp buong college dahil nakatingin ka sa iba...bumawi ka ngayon! Padala ka ng roses, sunduin mo ako araw-araw. Date tayo twing uwian...sagot mo syempre."

No comments: