Habang gising sa madaling araw, naisip ko na tumatanda na nga talaga tayo mga mare. Kasi... bukod sa ang mga topic natin ay hindi na tungkol sa crush 101, eh mas comfortable na tayo sa mga topics na hindi naman natin pinaguusapan dati.
Katulad na lang ng....{opps, censored}.
Ang mga pangarap sa buhay, napalitan ng mga plano for the next 3 months. Short term plans na lang. Di na uso ung mga 5 yr plan ngayon.
Tsaka syempre, mawawala ba sa usapan ang boys. We love to hate them.
Me sobrang taas mangarap. Meron namang walang pangarap.
Me sobrang slow. Me sobrang dense.
Me sobrang insensitive. Me sobrang balat-sibuyas.
Me sobrang kuripot. Me sobrang gastos.
Me adik sa basketbol. Me adik sa computer gadgets. Me adik sa dota. Me adik sa jologs na toiletries. Me adik sa tsismis (chismoso?). Me adik sa babae.
Habang binabasa mo 'to, sinasabi mo siguro "Asawa/boypren ko yan a."
Tas dudugtungan mo ng "Ay hindi sya yan, kasi {insert any defensive statement here}."
For example:
You: "Pinatatamaan ba ako sa blog na 'to? Parang si Jograd yung dinedescribe a." "Hmm, kahit balasubas yun, mabait naman. Im sure hindi sya yung tinutukoy dito."
Wala lang. Kahit naman ano pa ang dahilan kung bat tayo laging highblood sa kanila, ang ending e sa kanila pa rin tayo umuuwi, nag-gugudnayt, naga-aylabyu.
Bakit nga ba?
Eh kasi nga... me good qualities din naman sila that makes up for the bad ones (sure ka ha?). Di nga. Totoo naman di ba.
Me magaling magluto. Me magaling maglambing. Me magaling mag-asikaso. (ang onti naman ng nasulat ko sa positive hehe)
Tsaka isa pa... as if naman perfect tayo.
Meron satin OC. Me sobrang selosa. Me sobrang nagger. Me sobrang perfectionist. Me sobrang high maintenance. Me sobrang paranoid. Me sobrang ilusyonada. Me sobrang SOBRA talaga....Hmm!! Amininnn!
Quits lang. Perfect recipe for disaster. Don't tell me you'd want it differently. He who is perfect cast the 1st stone. In other words, Virgin groom lang ang me K maghanap ng virgin bride!
Teka, bat tayo umabot don?
Ayo...puyat na talaga ako. Kung ano-ano na lang ang naiisip ko. Bukas, ganyan na naman yan.
Katulad na lang ng....{opps, censored}
5 comments:
me nakalimutan ka ulit:
Me hindi mo alam kung boy nga ba talaga.
=))
naka-earfones pa man din ako para di magising anak ko sa ingay... tas bigla ako napa-BWAHAHAHA dito.
kulet!!!!
nakakalungkot naman post mo (especially kung yung greater evil ang nagbabasa)
-rei
ahh magbasa ka na nga ng libro!!!
wala ng pumapasok jan sa cocoon mo eh ^_^
may pinapatamaan ka na naman..di ako guilty diyan bwahahahhaa
asus puro reklamo eh naiinlab nga kayo samin dahil me negative kami eh :|
naiimagine mo ba lalakeng walang hilig sa TOOOOT! nakow boring nun.
Post a Comment