Thursday, September 24, 2009

High sa Hiskul

Di ko na malaman kung kelan pa ako outdated sa mundo. Di ko na alam kung ano ang palabas sa sine, kung sino ang mag-jowa sa tv. Ewan. Ma at Pa.

Pero lately, nagugulantang ako. Me mga nalalaman ako galing sa mga kabataan na nakaka... hmm... what's the word... disturb.

Kelan pa naging ok na magtawagan ng "asawa ko" ang mga hiskul magjowa?
Kelan pa naging ok ipost sa prenster ang mga pictures na naghahalikan?

Ibig ba sabihin, di na talaga uso ang "maghintay" bago ikasal.
Ni hindi na nga ata uso ang "maghintay" bago mag-debut.

Naghihintay man lang ba makagraduate ng hiskul bago gawin yun?
Wtf.

Me pambili man lang ba kayo ng diaper kung maka-jackpot kayo? Aasa na naman sa magulang.

(Leche, hayok na hayok sa laman. Di naman kayang panindigan...)

Naha-highblood ako. Ang lalandi nyo.

2 comments:

Alec Macatangay said...

patingin naman nung pictures.

Anonymous said...

mukhang kilala ko ito ha hehe. kissing pics kinikilabutan ako sobra. as for waiting bago ikasal, di na yata uso yun talaga. pati nga teleserye na dati hanggang smack at yakap lang, ngayon me lab scenes na. bad!
-rei