Tuesday, March 2, 2010

Palitaw

Sobrang saya ko sa pagiging nanay kaya di ko na naa-update tong personal blog ko. Pero marami rami na akong naiisip isulat. Teka, umpisahan ko na...

O-o-O-O-o-O

Yung unang yaya ni Pompy, babalik daw sa amin. Pero pagkatapos na ng eleksyon. Sabi ko, bakit boboto ka pa? Same-same lang naman ng result yan (kala ko naman excited sya dahil high tech na tayo this time). Reply nya, madami kasi pera ate pag botohan. Lahat ng kandidato nagbibigay. Nakngbawang! Ganon ba yon?? (bat ako walang natatanggap?) O sa probinsya lang yun?

O-o-O-O-o-O

Pag naaalala ko si GMA, napapailing ako. Andami na attempts para matanggal sya sa pwesto. Buhay na buhay pa rin. Malalim ang ugat. Matibay ang kapit (matigas ang mukha). Mas nakaka-amaze alalahanin na zero vote si FPJ sa Sto. Tomas Pangasinan nung May 14, 2004. Ang galing!!

O-o-O-O-o-O

Mas magaling yung sa Ampatuan Massacre (for the lack of word to use). Naisip nila yon? Patayin lahat ng nasa daraanan nila (literally speaking), even if it means killing all 60 people. Babae, lalake, payat, mataba, matanda, bata, me sipon o wala, kalbo o me uban, me anghit o wala. Lahat. Patay. At sige, ibaon natin lahat. Pati sasakyan (naisip pa nila yun?). Wow (sobrang speechless ako, hindi sapat lahat ng masasamang salita kaya WOW na lang). Anong petsa na? Di ba pwede patayin na lang din yung mga accused para eye for an eye?

O-o-O-O-o-O

On the lighter side, madalas ko naiisip na sayang talaga ang mga panahong pinalipas ko. Malapit na ako mag-31. Isa pa lang anak ko (at bubwit pa sya). Sana (sana sana ) mga 23 or 24 ako nagkaron ng panganay. At least by the age of 40+, nakapag pagraduate na ako, mellow down, titira sa beach, etc. Pero ngayon, i see myself na 50 yrs old na, nagpapaaral pa. Ang saklap! Unless manalo sa lotto or makapagtayo ng business (na ewan kung me future ba ako dyan).

Preparasyon. Yan ang ginawa ko while I was in my 20s. Wrong move talaga.

O-o-O-O-o-O

Sa mga nag-aabroad (at iniiwan ang pamilya sa Pinas) para makaipon ng mas malaki-laki, naglalakas-loob at nakikipag-sapalaran... "i feel you dawg". Wag lang kakalimutan (araw araw sabihin sa sarili ito, or ilagay sa post it para mabasa lagi), na pamilya ang dahilan ng pagsasakripisyo mo. Wag mo kalimutan ha. May PAMILYA kang naghihintay sayo. Baka mawala sa isip mo kahit panandalian lang, mabalewala yung main purpose mo kung bat ka nagsasakripisyo. At kung saka-sakaling nakalimutan mo na nga, tarantado ka. Umuwi ka na lang kesa magtuloy-tuloy pang-gagago mo dyan (manalangin na lang na may uuwian ka pa).

2 comments:

Anonymous said...

i feel you dawg! more posts please
-rei

gfbaby said...

grabe bespwen mas malaki pala kita sa eleksiyon kesa sa pag-yayaya :))

wag mo naman damdamin masyado pagiging 31 mo.. alalahanin mo mas matanda pa ko sa yo :(

nway, miss you and your posts! ako din kelangan na mag-update hehehe.