May mga klase ng relasyon na umpisa pa lang, alam mo nang.... eto na.
Eto na yung iniintay mong dumating. yung madalas napapanood mo lang. di ka makapaniwala na nangyayari na sayo. pakiramdam mo, ikaw na ikaw ang bida. wala ng makakapigil. happy ending ang storya.
Me mga klase ng relasyon na... umpisa pa lang drama na.
Parang puro laging problema. Katatapos pa lang ng twist, me panibagong kontrabida na naman. Sanay kang laging may "sana". Di bale. Ang motto mo naman "This too shall pass".
Me mga klase ng relasyon na... parang kabute.
Di mo alam, nagsimula na. Di mo naman kasi hinanap. Di mo rin pinlano. Napansin mo na lang bigla, nasa relasyon ka na. Nagpapaalam at pinapaalam ang mga bagay-bagay. Nagtataka ka dahil di ka naman ganyan dati. Pero sa kanya, parang natural na natural lang. Walang effort, seamless at in-sync agad.
Me mga klase ng relasyon na... alam mong di magtatagal.
Pero pinasok mo pa rin. Kasi gusto mo sya talaga. Di bale ng me expiry date kayo. Sabi mo nga, "while it last". Patibayan ng loob. Ang unang sumuko, talo.
Me mga klase ng relasyon na... nakabitin lang.
Either ikaw or sya ang hindi pa seryoso. Isa sa inyo, hindi pa sigurado. May hinihintay pa or may tinatapos pa. Kaya ang palaging tanong ng isa "Shall i stay or shall i go?"
Me mga klase ng relasyon na... tapos na pala.
Wala ng maibubuga. Hanggang dun na lang talaga ang shelf life. Ayaw mo pa sana magpaalam pero... para saan pa? Ikaw na lang mag-isa ang natira. Di mo ba nahalata?
Me mga klase ng relasyon na... sa hirap at ginhawa.
Problema ba kamo? Yakang-yaka yan. Parang chopstick ang tingin mo sa inyong dalawa. Pag mag-isa, walang nagagawa. Pero pag magkasama, unbeatable talaga.
Me mga klase ng relasyon na... ikaw ang kontrabida.
Masaya na sana sila, pero humahadlang ka pa. Pilit mo ginigitna ang sarili mo. Kulang ka kasi sa pansin mula pagkabata. Di ka sanay na maligaya ang iba kahit wala ka sa litrato. Ang alibi mo, "Di naman sa nanghihimasok ako... pero tama ako di ba?"
Me mga klase ng relasyon na... OPM (On Pag Magkasama).
Me mga klase ng relasyon na... hinulma sa bula.
Maganda lang tignan pero madaling nawawala. Hindi maikahon. Hindi maitago. Mahipan lang ng hangin, puputok na agad. Walang bakas na maiiwan.
** bluepalito visited me at 2am in the morning. i miss u dear blog!

2 comments:
i missed blue palito too! so gald she visited you :)
...' bout the post, sana number one na lang ako pero parang ako yung nakabitin lang, uhga-gahd
haha.. no comment.. :D
Post a Comment