Monday, January 15, 2024

Peluka

Pansin ko lang

Kung para sayo

Payag ako 

Maging tanga

O bola

O kahit anong maisipan

Ok na lang

Masaya ka naman

Ikaw yung mahalagang 

Mapagbigyan

Mapasaya

Masamahan

Ano ba naman yung

Di mo alam

Kelan ako nanghihingi

Kasi kulang

Nagpapapansin

Kasi wala lang.

Ano nga ba naman

Kung ako yung bumitaw

Pake mo ba

Di ba nga

Ok lang kamo

Meron o walang tayo

Kaya ayan

Manigas ako

Deserve ko 'to

Naduduwag kasi ako

Tuwing napapalapit sa'yo.


1.15.2024
1555 hrs

No comments: