Monday, January 13, 2025

Anniv Alone

Dalawang taon na pala
Mula nung nasabi ko
Na hindi pinag-isipan

Sinabi ko lang na parang normal
"Mahal kita"
At huli na

Nung naisip ko
Shet, ba't ko ba sinabi
Ang tanga-tanga ko

Dalawang taon na
Pero yun pa rin nasasabi ko
"Mahal kita"

Nakakapagod na
Ako lang dito mag-isa
"Ayoko na."

1.13.2025
2253 hrs

No comments: