When taking a shower, a person cannot help but think of things. Anything. Mula sa breakfast hanggang sa gagawin nya for the rest of the day.
So it was 9am already(at 9am din ang pasok ko, hanep talaga. Madodoble sabon ko ngayon) And I was thinking of the same thing that me and my friend would eventually talk about later that afternoon.
Sad daw sya dahil sawa na daw sya mag-isa (sabi ko naman sangkatutak yung nasa paligid nya, pansinin lang nya). Samantalang yung iba naman, pagod na sa problema sa lovelife nila. Ever wonder how much amount of time we dedicate to our lovelife aspect when we are still single? Araw-araw ng buhay mo, kesehodang attached or single ka, mabubulabog ang utak mo kakaisip tungkol sa lablayp mo.
Eh ba't nga ba ganon? Kelangan ba natin ng lovelife? Pag wala, hinahanap mo. Pag naryan naman, pinoproblema mo. Can a non-celibate person live without it? Are you waiting or are you looking for love?
*******************************
Magpapakain pala yung mga napromote mamaya. Hehe. Makapag-reserve nga ng 5 pichi-pichi.
2 comments:
age: 20 - "Lord, hinuhulma mo pa iyong guy for me."
age 23: - "Lord, I know you're always there for me and hinahanda mo pa sya para sa akin"
age 25: - "Im willing to wait..."
age 27: - "Lord, Im patient and they say good things come for those who wait..."
age 29: - "Lord, I know nakikinig ka sa mga prayers ko..pero bat ala pa rin? Anyway, antay lang ako lagi.."
age 30: - "Lord, andyan ka pa ba?"
ay ako 26. (wala lang, sharing my age lang hehe)
Post a Comment