Friday, April 8, 2005

Artik: He's Just Not That Into You Nga!

O ha! Kala nyo kayo lang ang me version nito? Ang mahal-mahal ng libro na 'to, gagawa na lang ako ng sarili kong version. Yung natutunan ko sa'yo, yung ginawa niya sa'yo, yung kinwento ni ano…basta halo-halo na. Halukayin mo na lang!

9. You're in the same circle but he doesn't approach you.

  • Baka sabihin mo, eh wala naman s'yang kelangan sakin, ba't nya ako kelangan lapitan? Sows. Yung iba nga dyan kahit me bolpen ng dala, kunwari wala. Kahit me kinakain na, kunwari gutom pa rin. Memorize na yung number ni ganto, itatanong pa rin sa'yo…di ba??

8. He always finds a way to be not within your perimeter.

  • E mas obvious na 'to. Literal na umiiwas. Bakit kaya? Tanungin pa ba?

7. He asks you to find him a date.

  • Yung iba sasabihin na nagpaparinig lang yan sa'yo..wag ka manhid blah-blah. O sige, magpantasya ka.

6. He's always unavailable.

  • Group lunch, di pwede. Movies with your friends, di pwede. Mas gusto pa nya matulog kesa mag-aksaya ng panahon sa'yo. Kelangan pa bang I-memorize yan?

5. He insists you date this fat, ugly, bald guy. And he's serious.

  • O di ba naman? Hindi lang manhid, nang-insulto pa. Kelangan ka pa ba ireto sa iba? Ano feeling nya, di mo kaya humanap ng date? Thanks but no thanks. In Tagalog, ayaw mo wag mo!

4. He always mentions this hot chick aka your bestfriend, sister, neighbor, archrival, lola, etc. Everybody else except you.

  • O ayan. Kokontrahin mo na naman. Sasabihin mo pinapagselos ka. Makinig ka kasi muna. Kung puro ibang babae ang laman ng bibig nya, malamang ibang babae din ang iniisip nya. Wag ka na magtyaga dyan. Humanap ka na ng iba.

3. He shows you his bad habits…too much.

  • A guy friend told me di daw sya mahilig mang-impress ng chick. The girl should accept him for what he is daw. Oo nga, andon na tayo. Pero susme, kung attitude problem na sa simula pa lang...what more in the future?

2. He's not shy asking too many favors from you.

  • Bilhin mo na 'tong floppy disk ko, wala na talaga akong malalapitan e. Pautang. Pakibitbit naman 'tong bagahe ko. Sige na cute ka naman (powtek nambola pa!)… read my lips: User-friendly!

1. He doesn't initiate.

  • Di nagtetext, laging walang load? Tulog. Puyat. Busy. Me ginagawa. Nasa Timbuktu. Me sakit. Me problema sa isda nya. Andaming pwedeng dahilan pero yun na nga. In the end, he's just not into you.

    Rule #1: Never assume.
    Rule #2: Never expect.

    wish ko lang di ko na mapagdaanan mga pinagsususulat ko dito...

1 comment:

Anonymous said...

hahaha sis ano ka ba tawa ako ng tawa sa comments mo.. ang taray mo talaga!!!!