Tuesday, April 12, 2005

Tula: Untitled

Manhid ako
ngunit ikaw nama'y
nagpapanggap lang.
Patuloy sa 'di pagsunod
Sa'ting napag-usapan.

'Di ko maisip
kung sino nga ba'ng nagkulang
o baka naman
umpisa pa lang
wala na talagang laman.

'Di ko na napansin
pagkat nahulog na sa'yo
at patuloy pang nahuhulog
sa mga titig mong
nanunumbat sa puso ko.

2/17/01
2229 hrs

No comments: