Friday, July 29, 2005

Sa Wakas!

Eureka! Nahanap ko na sya. Ang pangalan nya ay Mayette. Sabi nya minsan nasa Valero sya, minsan naman sa Rada St.

Dahil alam ng iilan sa inyo na madalas sumakit ang payat na katawan ko, nagpa-PT therapy ako last month. Ngayon sumasakit naman ang kabilang balikat ko (ikaw ba naman ang pumasok ng 60 hrs a week, ehem wala bang consolation prize dyan? Di pa rin ba tayo pasok sa HAYA? hahaha).

Sa IN TOUCH ko lang pinagkakatiwala ang katawan ko. Nagbabayad para sa panandaliang kaginhawaan (ang laswa pakinggan).

Minsan naiisip ko (katulad ng isa ko pang imposibleng pangarap sa buhay) sana bukod sa personal driver, magkaron din ako ng personal masahista. Ang sarap siguro non. Feeling mayaman hehehe.

Ilan na ba sa inyo ang nasubukan ang masahe ko? Masarap daw sabi nila. Di ko alam, di ko pa namasahe ang sarili ko. Atsaka lahat naman ng masahe masarap. Ikaw ba naman ang humilata at pagsilbihan, tatanggihan mo ba? Para sa mga di ko pa namasahe, don't despair. Here are the certain conditions para pagsilbihan ko rin kayo:

1. Dapat onsite. Tapos walang ginagawa. O kaya nagra-run ng EOD at naghihintay lang ng pinadeliver na dinner. Paunahan na lang lumapit sakin, di naman ako tumatanggi. Babae/Lalake, preferably wag mataba. Mahirap magmasahe ng mataba...

2. Kahit hindi onsite, pag may nagpaparinig na "Ang sakit ng katawan ko" o kaya "Nakakapagod na talaga". Maawain ako (insert angel smiley here). Pero wag naman sana oras-oras.

3. Pag may nagsasabi "Sabi ni ano magaling ka magmasahe, pasubok nga..." (opps malaswa din eto pakinggan) Shempre kinocompliment ka na, patunayan mo na! (hahaha uto-uto!)

Ayon lang, mag-iisip pa ako ng ilang condition para pumayag ako magmasahe ng mga kaibigan ko. Complete stranger is a no-no. Wag nyo na ako bayaran, di naman ako professional. Rhumba frap lang katapat nyan.

Ayon, mabalik tayo sa topic: Si Mayette, taga-IN TOUCH. Babalik-balikan ko na sya (arghh is it me o talagang malaswa pakinggan mga sinasabi ko?). Sya pa lang ang nagmasahe sakin ng maginhawa ang resulta. Plugging na eto!

3 comments:

Anonymous said...

Magkano naman si mayette...kc ung huling nagmasahe sakin kulang na lang tajakan ko sa sakit eh sinabi ng kapapanganak ko lang eh argggg!!! apols

Anonymous said...

cherr: wow acapuncture, bongga ang lolah!

tapolan: same pa rin 360 ba o 380. d ba ganun price sa Intouch? alam mo antagal din bago ako nakahanap ng hiyang sakin. grabe ung iba ambigat talaga ng kamay, para akong nabugbog. amf!

Anonymous said...

yung sakin masarap magmasahe? hehehehe "vandolph" kaso nakalimutan kong itanong ung name. hehehe