Tuesday, August 23, 2005

* Pamato *

Nakaka-depress pala
ang umasa't manligaw sa'yo
parang pag-aabang
ng ulan sa buwan ng Mayo,

(imposible't nakakapagod)

Ngayon naisip ko
mas depressing pa pala
ang isiping
nadedepress nga ako,

nagpapaka-loser todo-todo
para lang matago na sa'yo.

* sequel ng Balagoong


sagot ng isang kaibigan <-- click mo to


6 comments:

Anonymous said...

bakit po ba kelangang itago??

Apols said...

bat kaya puro si tanong to hehehe

Anonymous said...

wala naman po. na curious lang po ako.

Apols said...

curious? really? :D

Anonymous said...

habulan

tanggal ang tsinelas, tayo'y naghahabulan
sa napakalawak na kalupaan
ewan ko ba, kelan mo ba ako matatagpuan
sa ating laro na pang dalawahan

ako na lang ang laging taya
ok lang basta makita kang masaya
ako ang laging talo, kelan kaya ako mananalo
inabot na nga tayo ng ulan sa buwan ng mayo

hindi ka ba napapagod
hindi ka ba napapahinto
hindi ka ba nagtataka
sa habulang nakakatuliro't nakakataranta

minsan nakakainis, nakakapikon
dahil sa iba ka pa lumilingon
heto na nga ako sa iyong harapan
hindi mo pa makita't iyong natatapakan

bakit nga ba't anong dahilan
ng iyong hindi pagpansin
ng iyong pagbubulag bulagan
hindi naman ako anino ng iyong nakaraan

blue_palito said...

hehehe.

actually, ang pamato sa tula is yung feelings nya.

pamato nya sana.

kaso me ilang laro na kelangan nakatago yung pamato para nde ka mataya =)

this is one of those games.