Thursday, September 29, 2005

The Other Side of Autism

Naranasan mo na ba mahirapan kakaisip? Parang di ka makapag-isip. Parang wala kang isip.

Akala mo malaki yung problema mo, o kaya buhol-buhol. Kung titignan naman outside the box, simple lang naman. Eh bat ganon, pag ikaw yung nandon, di ka makapag-isip ng matuwid? Alam mo ang solusyon pero di mo magawa. Weird di ba?

Muka ka na tuloy engot sa paningin ng iba. Kasi yun lang, di mo pa magawa. Di mo masolusyunan. Nak ng tinapa! Umabot ka na sa ganito, yan lang di mo pa alam? Nakakaasar. Nakakarindi. Pero di nga kasi sila ang nasa sitwasyon mo. So ano dapat na gawin mo? Tumunganga, magisip-isip. Bumili ng oras. Bumili ng kausap. Kausapin ang sarili. Gawain ng mga auti yun pre. Auti ka na rin. Ok lang tawaging auti kesa naman bobo.

Parang nalulunod ka na. Naks, background mo yung KLSP dahil sa katagang "sino 'tong nakatingin, anghel bang magliligtas sakin..." Kelangan mo ng tagaligtas. Nabibili din ba yun? Kahit for rent na lang, ok na. Kaso malas mo talaga. Walang dumadating. Meron man, lagi kang back to zero. Ipapaliwanag mo na naman. In the end, pareho lang sila ng sasabihin ng mga nauna mo nang napagtanungan.

So ikaw nga ang bobo? Ikaw lang ang di maka-gets? Pano nangyari yon? Kelan ka pa naging ganon?

T&^%$*a kasi, sabi sa'yo matulog ka na lang diretso sa gabi. Wag ka na magmuni-muni... gawain ng mga insomniac yan pare. Insomniac ka ba? Hinde. Eh bat ka ganyan? Anong itatawag namin sa'yo? Wala.

Adik?

Hinde.

KSP?

Malamang.

Eh ano nga?

Inlab. Inlab lang pre, ok na.

3 comments:

Tolits said...

mahirap talaga mag-isip.. kung wala'ng iisipin..

teka bat nga ako nag-iisip!

hehehe

pre, meron k ba dyan adik din ako! hehehe adik sa tulog pero nagbago na ako.. pero parang lumala ata eh kasi pati pagtulog nilayuan ako.. =)

Anonymous said...

probably autistic talaga yung nagsulat neto.

Anonymous said...

Nak ng tinapa! - aahh, tinaplet? little tinapa? tinapski? arrgghh hirap magisip!! Uyy oki to, may word verification na hehehe