Minsan (sa kakapilit ng karamihan), napapaisip ako. Kung handa na ba ako sa papasukin ko. Alam ko na dati pa ang sagot. Yes or No lang naman ang pagpipilian di ba? Yes, matagal na. Pero sabi nila pag-isipan ko raw muna. Nag-iisip naman ulit ako. Pero eto yung klase ng pag-iisip na hindi talaga ako nahihirapan. Walang kachallenge-challenge. At hindi ako sanay. Sa totoo lang, mas mahirap pumili ng bridal dress o honeymoon package kesa sagutin ang tanong na 'to.
"Sigurado ka na ba?"
"S'ya na ba talaga?"
Iba't ibang tao pero paulit-ulit na tanong. At parang personality test na iba-ibahin mo man ang style ng pagsagot, pareho pa rin ang sagot.
Naisip ko nga pala, pa'no kung me dumating na iba? Wow. The big what-if. Yun pa lang ang isipin mo, matatameme ka na. Pa'no nga ba? At ang nakakainis nito, gaya nga ng sabi ko kanina, di ko na napag-isipan ng matagal. Me sumagot na agad sa kasuluk-sulukan ng utak ko. Kapag may nakilala akong iba, magiging masaya pa ba ako katulad ngayon? Alam nyo na siguro ang ibig ko sabihin. =) Simple lang di ba. May dapat pa ba pag-isipan?

4 comments:
kya nga sis, sa tanong na ganyan dapat sagot agad kun ano un nararamdaman mo at present, and iwasan ang 'what if' kse sabi nga ni...ng...(lumot ko na), we will always meet someone better than the person we ended with, but we will always be grateful that we chose (the present one), gets mo? ehhe nalito ako don ah..hahah
kaibigan blu_palito, ok lang ba na nilagay ko ang blog mo na isa sa mga madalas kong pasyalan na blog sa aking sariling blog? salamat.
Denster: no prob :) salamat!
tnx :D
Post a Comment