(Monkey Business Tour, Araneta Coliseum July 27)
Guys and Gals, by now you may have heard that I won in the "Xmas in July Contest" sponsored by WAVE 89.1. Ang saya-saya! Here are the prizes:
~ 2 Front row seats to BEP Concert (5,000 x 2)
~ GC ng ewan ko kung ano :))
~ One year pass to all the Movie Premier Wave's going to sponsor
~ 10 Enchanted Kingdom passes
~ 1 No Curfew Watch
So nanood kami ng BEP concert, ang bongga! Mga celebrities lang naman ang katabi namin. Sino lang ba naman si Anne Curtis, Pauleen Luna, Katya Santos, Keana Reeves, Ciara Sotto, Dra Vicky Belo, Vhong Navarro, Phoem Baranda, etc? Di ko sila kilala. Hehehe. Sa mga nagtatanong kung bat di ako nagpapicture kasama sila, esmyuskee lang. That night, I was one of them! (taruz!)
Ang saya ng concert. Parang me 4 na nilalang na high sa droga sa stage. As in maeentertain ka talaga. Fergie, ang sexy mo! APL cool na cool. Buti pa ikaw, proud ka na Pinoy ka. Taboo, galing mag-rap. Will i am, the best yung pagdrums mo habang kinakanta mo yung BEEP :D
(Pussycat Dolls Live in Manila!, Araneta Coliseum July 28)
Ok dumako na tayo sa PCD. Late na kami kaya nagstart na yung mga front act. Pansin ko lang, mas madami silang audience kesa sa BEP. Nakakaasar lang kasi di sila live band. Parang minus-one lang ata ginamit nila. And umabot ba sa 10 songs yung kinanta nila? Sobrang bitin! The crowd was waiting for an encore for about 20 mins pero di na sila bumalik. Huhu. Ang mahal namang ticket yan kung sampu lang kinanta nila. On the brighter side, ang galing nila sumayaw. Tsaka they're really showing off their flesh hehe. Nicole, bat ka umiyak after Stikwitu? Dahil natouch ka na madaming noypi ang sumusuporta sa inyo o dahil ginagawa mo daw ito everytime kinakanta yung Stickwitu? Hmmm pakisagot na lang.
ps: mejo walang kwenta 'tong artik na to. masyado kasing personal experience. nagkukwento lang po ako. not that anybody's interested anyway :)
No comments:
Post a Comment