Eto ang mga naisip ko kanina habang naglalakad sa Ayala sa gitna ng kalakasan ng ulan:
1. May bagyo na naman. Every other day na lang ata me bagyo. Gan'to ba last year? Bakit parang mas maraming bagyo ngayon?
2. Bat ang titigas ng ulo ng mga tao? Alam na ngang tag-ulan, di pa rin nagdadala ng payong. Kung bibilangin ko yung mga taong naglalakad ng basa dahil nakalimutan magdala ng payong, me pambili na ako ng sapatos araw-araw.
3. Me libreng vaccine sa mga senior citizen. Anti-trangkaso. Andaya naman. Di naman namimili ng edad ang trangkaso a.
4. Ang baba ng mga pamasahe sa PAL, Cebu Pacific, at Air Phils. Nakakaengganyo magbakasyon. Ok lang kahit tag-ulan. At least solo mo yung beach *winks*
5. Proud ako pag ginagamit ko yung peach-orange kong payong. Kasi medyo kakaiba yung kulay. Kahit tag-ulan, fashionable pa rin (hehe inggit si Jay Tangkad)
6. May Oil Spill na naman. Sa Guimaras naman ngayon. Tinatantyang 2 million liters ang krudo na lumalason sa dagat natin ngayon. Largest spill daw so far. Linsyak naman 'tong mga 'to. Last December lang, me oil spill din dahil sa Napocor. 1 million liters naman. Leche! Yung mga me kasalanan nyan dapat parusahan... mala-Fear Factor. Papalanguyin sa natapunan ng krudo hanggang makarating sa shore. Walang lifevest. Walang salbabida. Wala lahat. O kaya ipahigop sa kanila yung mga krudo. Mano-mano. Gamit lang straw.
7. Sabi ni Morales sya na raw ang mananalo sa laban nila ni Pacquiao sa November. Tiba-tiba na naman ang mga magpupustahan nito.
8. Tiba-tiba din ang ABS-CBN kasi sila ang official station ng laban. Buti na rin para naman tumaas-taas ang rating nila. Deal or No Deal lang ata ang lumalamang sa rating nila against GMA-7 eh. Opps. Baka me magreact na Kapamilya. Ano na nga pala nangyari sa Wowowee? Bat binalik sa ere, kala ko ba kinasuhan sila dahil sa Ultra Stampede? (Outdated na talaga ako)
9. Sabagay di din ako natutuwa sa Captain Barbel at Majika ngayon. Gone are the days of Engkantadia and Mulawin. Si Angel Locsin naging common face na lang. Teka nga, di ko pa rin gets bat si Katrina Halili ang #1 sa FHM. Tinalo nya 99 contenders?
10. Magdodonate si JOHN GOKONGWEI JR. ng 10.25 billion pesoses sa education sector ng Pinas. Nagdonate na sya ng 50M sa skul nya dati sa Cebu di ba? Nagdonate din sya sa La Salle (nakalimutan ko kung magkano pero sana sa ibang skul na lang sya nagdonate kasi mayaman naman ang La Salle hehe). Sana mainggit si Henry Sy at magdonate na rin. Hehe.
11. All in all, I still prefer rainy season kesa sa summer. Makakagulong-gulong ka ba sa kama kung mainit? Makakatulog ka ba ng mahaba at mahimbing kung tagaktak ka sa pawis? No way. Tapos background song mo pa yung "Twing Umuulan" E-heads version ha. Da best di ba?
9 comments:
hoooiiiissst!!!! babaeng parang payong sa payat!!! hindi ako naiingit sa payong mo.. hehehe.. marami na akong nakikita na ganung kulay.... at mura lang.. sa may SM.. 90Php lang ata... ikaw lang ang nagsasabing maganda ang payong mo!!! >:)
bwahaha tignan mo GUILTY ka!
palibhasa di ka kasya sa isang payong. At pwede ba, ilayo-layo mo sakin yung payong mo na parang ninakaw lang sa bangketa. bwahaha.
anak ng!!! >:P
potpot, may advantage din ang fashionable at may matingkad na kulay na payong..
alam mo kung ano? kasi syempre pag bumabagyo, madilim, ngayon, kung naglalakad ka sa kalye, madali ka makita ng mga tao at driver.. maiiwasan ka... hehehe...
wala lang, defend ko lang kasi shocking red naman ang color ng payong ko ngayon... at miss ko na yung neon green na payong ko dati... bwehehehe...
tama ka jan girlfriend!
wahehe magkasundo pala taste natin sa payong bwahaha.
inggit lang yang si tangkad. sa pasko regaluhan na lang natin ng Neon Pink!
dami mo naman naisip habang naglalakad sa ayala. Buti nalang di ka nasagasaan kasi nagmumunimuni ka =| pero sabagay kung ako yung mansasagasa sayo mahihirapan ako sa nipis mo =D pataba ka na!
buhuhu...ende ako si pandesal at bagoong. Im always chinese fud. now'n'forever till my it changes the shape of my heart after four seasons of loneliness. putres lakas nyo mamintang ah. suntukan nalang ano?!? @_@
antok na antok na ko...
pandesal_at_bagoong, sa gitna ng kalsada ka ba naglalakad pag nasa ayala ka? kami kasi dumadaan sa pedestrian/sidewalk/underpass.
ang galing mo pag ganun. ikaw ang mag-ingat, baka ikaw ang masagasaan =D
ps: baka naman sa sidewalk ka nagmamaneho? makakasagasa ka talaga nyan >:)
Post a Comment