1. umupo sa gitna at solohin ang aircon.
2. umupo sa dulo at paisa-isang iabot ang bayad.
3. kumain ng maamoy na pagkain sa loob lalo na kung mahina ang aircon.
4. kumain sa loob at iwanan ang pinagkainan sa loob ng sasakyan.
5. magpabango ng marami at siguraduhing nakakatutok sayo ang aircon. Mainam na gawin ito kung nasa gitnang row ka nakaupo para mai-sprayan din ang mga nasa likod.
6. makipagusap sa cell. lakasan ang boses para marinig ng mga nasa dulo.
7. matulog ng mahimbing. gamiting sandalan ang balikat ng mga katabi.
8. pumara ng mahina. hayaang mainis ang mga katabi at sila ang sumigaw para sa'yo.
9. kapag umuulan, ipagpag ang basang payong sa katabi.
10. maggupit ng kuko. bagalan. tiyakin na tumatalsik sa katabi ang mga nagupit na kuko.
pahabol na gawain ayon kay Jam:
11. umutot ng malakas.
12. umutot ng may amoy.
6 comments:
kadiri at halatang me topak ang nagsulat ng post na to =| lalo na yung pag-gupit na kuko...eeeewwwww
11. Umupo sa gitna sa tapat ng aircon at biglang magpakawala ng Silent Killer (utot natahimik ang exit at sobrang baho ang amoy) tapos bigla kang pumara at dali daliang lumabas.
dods last week me nakatabi akong ganyan kadire talaga waaa ang taba pa nung babae naggugupit ng kuko nya tumatalsik sa akin huhuhu.
makinig sa mp3 player..na nasa 30 yung volume at siguraduhing nakikinig din iyong katabi...
makinig ng radyo (thru mp3 player) at tumawa pag may joke...sabay tingin sa katabi...
reference number 7, matulog ng mahimbing at maghilik...
hala! tama ka anonymous. yung katabi namin last week ang lakas magpatugtog tapos tipong pang-bading yung kanta. sana nag-megaphone na lang sya ang lakas kasi ng tunog (bingi na siguro un ngayon)
kapag nasa likod nakaupo..
1. untugin lagi yung tuhod ng katapat mo, pro dapat sorry ka ng sorry pra kunyari di sinasadya.
2. siksikin ang katabi pag pumreno kahit di malakas ang momentum.
3. Magdala ng malaki at mabigat na bag at gamitin ang katabi para patungan.. sabay smile
Sa unahan umupo
1. Kung may stereo ang FX, palitan mo ng istasyon.
2. Paglaruan ang mga nakasabit sa dashboard ng FX
3. Magtakip ng ilong/bibig.. kunyari may putok yung driver, (baka nga meron)
Kahit saan umupo
1. Maglaro ng nakakapawis na akitibdades (eg. basketball), tpos wag magpalit.
Post a Comment