Friday, February 16, 2007

How To Spot A Valentine-less Person (a post-vday observation)

Pasensya na kung late na itong artik na eto. Dami-daming cheche bureche kahapon ano? Sige nga, countdown tayo. Sino'ng masaya? (taas-kamay). Sino hindi masaya? (luhod sa asin). Bato-bato sa langit... Sana hindi kayo tamaan dito:

1. "Valentines....soooo? Yuck!"
~ sa totoo lang, spoiler ka. Bat di ka na lang makisakay? Di ka naman mamamatay kung pagbibigyan mong mag-celebrate yung iba ngayong araw ng mga puso. Naabala ka ba? Naperwisyo? Sumakit ang mata mo sa mga bagay na kulay pula? Dyosme. Sana nag sick leave ka na lang. Tutal sick ka naman talaga. Sick mentally.

2. "Announcement!!! Vday ngayon, puno na naman ang mga... (sabay ngisi)"
~ for petrang kabayo's sake dude. cliche na yan. lahat ng tao na lagpas sa labing tatlong taong gulang, alam na yan. Big deal ba sayo? Mag-checkin ka rin. SOLO. Hehe.

3. "Scorer ako!"
~ utang na loob. hindi ka nga bitter. manyakis ka naman. bili ka nung mannequin. uso na ngayon. at score-an mo ang sarili mo =D

4. "Bukas pre, dadami ang scandal."
~ ang tanging scandal na hindi pa nabubunyag ay transvestite ka. (opps, sorry i got carried away). Mentally deranged talaga. Biruin mo, ini-equate ang v-day sa sexday??

5. "Kaya ayoko ng valentines day e. Nagmamahal ang mga bulaklak."
~ sana January pa lang nung last year, nagpareserve ka na. BARAAAAT!

6. "Everyday is a valentine's day for me."
~ utot! walang originality. ginaya mo pa yung "everyday should be a christmas day". ang sabihin mo, wala kang pang-date. o mas malala, wala kang ka-date. watta loser =))

7. "Sa dami nila, hindi ko alam sino ilalabas ko."
~ Huyyyy mahiya ka nga. Kasing-kapal ka ng snow ngayon sa New York.

8. "Wala eh. Wala akong ka-date."
~ ayan...at least honest. pero not too much na parang nagmamakaawa ka na sana me magyaya sayo. Di bale tsong, "pana-panahon ang pagkakataon". next year, malay mo....

9. "I'm single and I'm happy."
~ hehe, wala tayong magagawa dyan. sabi mo e. pero meron sa kalendaryo na specific day para sa mga couple. sa single, wala. WAWA =P (ok, that comment was from my alter-ego who happened to be a certified biatch).
Bitin 'no? Walang pang-10. 'La na ako maisip e. Huy matagal-tagal din naman ako dati na walang ka-valentines. Pero hindi ako bitter non. Nyuknyuk. Pramis. Unsolicited advice lang: next year para di masabihang bitter, keep a smiling face. Not only will u (might) win a friend. Hindi ka na rin kakaawaan. hehehe. Ang bad mo!

ps: Bading ba talaga si PIOLO?? Check this out.

7 comments:

Anonymous said...

aaaaaaaaayyy...sa no 8 ako nag fall...ahhahaha...wala talaga eh. :)

Anonymous said...

typical sa mga may asawa or part of a couple ang i-assume na kawawa ang mga single. at lalo pa kung sabihin ng isang single na masaya siya being single. hindi ako single pero parang ang lakas ng loob mong manghusga. bakit, maganda ka ba?

Anonymous said...

Seryosohin ba? Galaw-galaw anonymous. Baka ma-stroke ka.

blue_palito said...

I normally don't reply to reader's comment anymore. Pero para ke anonymous, let's make an exemption.

in #9, as written:
"wala tayong magagawa dyan. sabi mo e."
Meaning if the person's outlook is "I'm single and I'm happy", well and good. i rest my case.

anonymous, baka you are referring to this line?
--> "pero meron sa kalendaryo na specific day para sa mga couple. sa single, wala. WAWA =P"

it's like saying that there is a Bonifacio day but no Melchora Aquino day. it was sent as humor but if your interpretation was different from the author, again i rest my case.

lastly, the article's title is "How To Spot A Valentine-less Person...". Im sure you know that a Valentine-less person doesn't necessarily equate to SINGLE people...

"typical sa mga may asawa or part of a couple ang i-assume na kawawa ang mga single."

now who's assuming what?

Anonymous said...

Anonymous said...
typical sa mga may asawa or part of a couple ang i-assume na kawawa ang mga single. at lalo pa kung sabihin ng isang single na masaya siya being single. hindi ako single pero parang ang lakas ng loob mong manghusga. bakit, maganda ka ba?
>>>>>bitter ka ba? or naging bitter ka ba? or sapul ka lang or bitter ka lang talaga?

Anonymous said...

To anonymous:

Ikaw ata ang nagmamaganda kasi basahin mo ulit ang comment mo...anong koneksyon ng pagiging maganda sa kawawa ang single.

Face it, kawawa talaga ang single tuwing valentines. Or in denial ka lang?

Anonymous said...

to Anonymous, kaw na rin nagsabing typical ang hindi single na magassume na kawawa ang single, so what's your point? d kaya hindi ka niyaya ng SO mo makipagdate nung balemtayms at sumama sya sa iba kaya ka nagkakaganyan?

i'd say, i think you definitely have NO sense of humor. lighten up. or maybe you are really not not-single. but who knows? and who cares?

and to answer your question, yes, maganda yang kaibigan ko na yan in my personal opinion. angal ka pa?