Tuesday, May 22, 2007

First Timer (sa Boracay)

Oo na. Im a late-bloomer. Para sa iba, old news na ang Bora (pardon Koya, we'll use "Bora" to shorten "Boracay" ;) not to pose as Coño.

Paano at Magkano:

1. Via Kalibo ang flight namin. Sariling sikap ang booking kaya transfers from airport to hotels are not included. Pagdating sa Kalibo terminal, me nakontrata na agad 'tong mga kasama ko. 200 each hanggang Caticlan. 7 adults + 2 bata (free) + ferry fee. Pwede na. 1.5 hrs halos ang byahe. Parang Batangas pala ang view. Tulog muna. Zzzz.

2. Sa Caticlan, bayad kami 70 pesos (Environmental ek ek at Terminal Fee) papuntang Boracay.

3. Pagdating sa Boracay terminal, pili ka. Tricycle o Pedicab. 100php ang kontrata sa Trike. 200php sa Pedicab. Yan naman e kung ayaw nyo na maghintay ng kasabay.

Boracay na!!! Anything goes ;) Sky's the langit!

Station 1 : Andaming lumot. Hehehe. Ganyan daw talaga pag summer. Pero Sosy ka kung dito ka. Tahimik at MAHAL. Pero mas Sosy kung sa Diniwid Beach ka (hehe, Nami! Nami! Pangarap ka na lang ba?)

Station 3 : Talipapa daw. Pero preferred ng foreigners. Mas mura ang rooms compared sa Station 1 pero mas tahimik kesa Station 2. Gusto ko dito. Tamang-tama lang ang timpla. ps: di malumot dito nung nagpunta kami.


* Station 1 and Station 3 *

Station 2 : Where the nonstop party is. Parang laging me event dito (kahit wala). Busy station. Dito kami nagpupunta (lalo na sa D*Mall) para kumain at mamili. Wag na muna masyado umasa sa beach. Malumot talaga.



* The two faces of Station 2: sunrise and sunset *

Things to do in Boracay:

* magpakasal o mag ala-Diwata *


* magpahenna, banana boat (180/person), at magpapicture sa sandcastle ng mga kinasal *

ps: Best wishes Gleng & Andreas! Ang ganda at ang saya ng kasal. Wala akong mapost na pic, hihingi na lang ako sa inyo =D

2 comments:

Anonymous said...

ganda ng place! ganda (ng diwata) =) hihi

Boracay Hotels said...

Wow ganda naman sa boracay, May bayad ba kapag nagpagawa ka ng white castle mo???





Tanya Gemarin